Connect with us

Entertainment

Silipin At Mamangha Sa ‘Closeness’ Ng Mag-Amang KC At Gabby Concepcion

Published

on

Ang aktres na si KC Concepcion ay isa sa mga hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz. Hindi lang siya kilala bilang isang aktres at singer, ngunit mas popular siya sa pagiging anak ng dalawang sikat na mga artista sa showbiz na sina Mega Star Sharon Cuneta at matinee idol noon na si Gabby Concepcion.

Samatala, marami naman ang nakababatid sa atin na si KC ay lumaki sa isang ‘broken family’, ito nga ay dahil maliit pa lamang siya ng maghiwalay ang kanyang mga magulang. Sa kabila naman ng maagang pagkamulat ni KC sa isang hindi buong pamilya, ay wala naman itong naging pagtatanim ng sama ng loob sa kanyang mga magulang, bagkus ay mas naging mabuti at mapagmahal pa nga itong anak.

At bilang patunay nga nito, ay ibinahagi ni KC sa kanyang social media account ang magandang samahan nila ng kanyang amang si Gabby Concepcion. Makikita nga sa naging post ni KC ang mga larawan nilang mag-ama kung saan ay masisilayan nga ang masayang bonding moments nila.

Pasasalamat naman ang inilahad ni KC sa mga larawan na ito, kung saan ay pinasalamatan nga niya ang Diyos sa pagbibigay sa kanilang mag-ama ng pagkakataon na bawiin ang mga nawalang oras ang panahon sa kanila.

“Papa Cool and down to earth, a joker, a guy’s guy, our #GirlDad – s0 much time lost, but so so much, regained”, ani KC. Dagdag pa niya, “I thank God for our phone calls, deep sea dates, nature explorations, talking till we fall asleep. Truly grateful to the universe for keeping our love alive.”

Hindi nga lamang sa ama niyang si Gabby malapit si KC, dahil magaling sa bagong pamilya ng nito, ay malapit din siya. Matatandaan nga na ng magdiwang siya ng kanyang ika-36 taong kaarawan ay ibinahagi niya na sa Batangas siya nagdiwang ng kanyang kaarawan kung saan ay kasama niya ang kanyang ama at bagong pamilya nito.

“Truly grateful for this family time together. No frills, just love”, ani ng aktres.
Ibinahagi pa nga ni KC ag mga larawan niya na kasama niya ang kanyang mga kapatid sa ama na sina Samantha at Savannah.

Ayon nga kay KC kahit na may sarili ng mga pamilya ang kanyang mga magulang ay masaya siya sa buhay niya dahil parehong maganda ang relasyon niya sa mga bagong pamilya ng mga ito at hindi kumpleto ang kanyang buhay kung wala ang mga ito.

“For those of you who don’t know, my parents married in their teens and unfortunately separated when I was toddler. Today they have their own families, who are also my own… I keep close to my siblings, or at least I do my part to, and giving importance and nurturing relationships between both families can be though – always a balancing act. But I love them all and my life wouldn’t complete without them”, ani KC.