Connect with us

Lifestyle

Silipin At Mamangha Sa Isang Bahay Na Maliit Ngunit Sobrang Gara Sa Loob

Published

on

Madalas na nating naririnig ang kasabihan na “Don’t judge the book by it’s cover”, lalo na pagdating sa personalidad at kakayahan ng isang taon. Ngunit ngayon ay isang bahay ang nagpapatunay nito, dahil sa unang tingin lamang ay tila isang maliit,ordinaryo, at simpleng bahay lamang ito sa labas ngunit pag nakapasok ang sinoman sa loob nito ay mamangha dahil sa ganda ng interior designs nito.

Isang maliit na 2-storey house ngayon ang kamangha-mangha, dahil sa itinatago nitong panloob na ganda. Sa unang tingin ay tila isang ordinaryong bahay lamang ito dahil sa plain ang panlabas na disenyo nito, pero laking gulat ng mga nakapasok rito ng makita na napakaganda pala nito sa loob.

Isa pa nga sa nakamamangha sa bahay na ito, ay kahit maliit lamang ito na halos na sa apat na metro lamang ang lawak ay nagawa itong pagandahin ng mga arkitekto na gumawa nito. Makikita naman sa disenyo ng bahay sa labas, na ibinigay ito sa mga katabing bahay nito.

Maging ang wooden door ng naturang bahay ay ginawang simple lamang, ngunit sa bintana naman ay makikita na agad kung gaano kaganda ang loob ng bahay na ito. Nakakamangha nga naman ang ginawa ng mga arkitekto ng nasabing bahay, dahil kahit maliit ang espasyo nito ay nagawa nilang pagandahin ang interior designs nito.

Nakapagbigay pa nga ang mga ito ng wooden stairs, na daanan patungo sa second floor ng nasabing bahay. Isang malaki at kumportableng sofa naman ang makikita sa sala ng bahay, na kung saan ay may mga luntiang halaman din ang nilagay rito. Sa may bandang ilalim naman ng wooden stairs ay maaaring maglagay ang may-ari ng bahay ng isang flat screen tv.

Ang mga kwarto naman ay ibinigay ng mga arkitekto sa may bandang dulo ng bahay, na kung saan ay may glass walls ito sa harap at ang banyo nito ay nasa bandang likod na natatakpan ng isang built-in cabinet.

Kung sa loob nga ng bahay ay napamangha na ang marami dahil sa interior design na taglay nito, ay mas nakakamangha pa nga ang likurang bahagi ng bakuran nito.

Makikita ang isang maliit ngunit modernong disenyo ng swimming pool sa may likurang bahagi ng bahay, na may katabing wooden deck na kumukonekta tungo sa entertainment area ng bahay.

Isa pa nga sa mga nagbibigay ng ganda dito, ay ang mga luntiang halaman na nakapalibot dito kung saan ay hatid nito lalo ang refreshing na pakiramdam.