Inspiring
Single Mom Ruffa Gutierrez Proud Sa Pagtatapos Ng Panganay Na Anak Sa Senior High School

Si Ruffa Gutierrez ay isa mga kilalang aktres sa showbiz, maliban dito ay naging isa rin siyang beauty queen kaya naman talagang marami ang nakakakilalala sa kanya. Batid naman ng publiko na si Ruffa ay mayroon ng dalawang anak na babae sa kanyang dating asawa na si Ylmaz Bektas, at ang mga ito nga ay mga dalaga na ngayon na talaga namang kasing ganda rin niya.
Ang panganay ngang anak ni Ruffa na si Lorin ay nagtapos na kamakailan lamang sa Senior High School nito, kung saan bilang isang ina ay proud si Ruffa sa achievement ng kanyang panganay na anak.
“Congratulations to my first graduate, loringabriella [three blue heart emoji]”, ang naging pagbabahgi nga ni Ruffa.
Nagtapos si Lorin ng kanyang Senior High School sa isang pribadong eskwelahan sa Maynila, at ito nga ay ang British School Manila. Ayon nga kay Ruffa, proud na proud siya para sa anak, at talaga namang ipinagmamalaki niya ang pagtatapos nito. “I will save the hugs, kisses and mushy messages for us in private. Always know that @venicebektas, the family and I are so proud of you.”
Dagdag pa niya, “We will hold your hand as you move forward to the next chapter in life. soar high! Follow your dreams but never forget …. God first.. WE LOVE YOU!!!”
Sa mensahe pa nga ni Ruffa ay makikita kung gaano siya kasuporta sa kanyang anak, at sa kung ano ang mga nais pa nitong gawin sa buhay ngayon na ito nga ay nakapagtapos na sa senior high.
Ramdam na ramdam naman talaga kung gaano kasaya at ka-proud si Ruffa sa nakamtan na achievement ng kanyang panganay na anak na si Lorin, dahil hindi naman naging biro ang mga pagsubok na dinaanan nito sa kanyang pag-aaral.
Samantala, sa latest post naman ni Ruffa sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang intimate celebration para sa pagtatapos ng kanyang anak na si Lorin, kung saan ang kanyang caption sa nasabing larawan ay nagpaantig sa puso ng mga netizens dahil sa binigyang pugay niya ang mga single mother na tulad niya na walang sawa at pagod na nag-aaruga at sumusuporta sa mga anak. “I want to salute all the hard-working single mothers who have raised their children with courage and strength on their own”, ani Ruffa.
Bilang isang single mother, ay proud din si Ruffa sa kanyang sarili dahil sa nakaya niyang palakihin at suportahan ang kanyang mga anak, sa kabila ng wala siyang katuwang sa buhay.
“The road is never easy but we persevere”, saad niya.
Hindi nga maipagkakaila na napakahirap na resposibilidad ang maging isang single mother, kaya naman talagang nakaka-proud ang mga single mother na tulad ni Ruffa dahil sa kabila ng sakrpisyo at pag-aaruga sa kanilang mga anak ay mag-isa nila itong nakakaya.
Matatandan na si Ruffa ay naging isang single-mother ng tuluyan silang maghiwalay ng kanyang Turkish ex-husband noong taong 2007, ngunit kamakailan lamang ay muling nagkaroon ng komunikasyon ang dating mag-asawa kung saan tila inayos nila ang mga bagay bagay pagdating sa pagiging mga magulang nila sa kanilang mga anak.
