Showbiz
Siya Pala Ang Babaeng Nakabihag Sa Puso Ng Mahusay Na Mang-Aawit Na Si Christian Bautista

Maliban sa pagkakaroon ng magandang karera sa showbiz, ay masasabi ring masaya at makulay ang buhay ngayon ng mang-aawit na si Christian Bautista. Ito ay dahil natagpuan na nga niya ang taong kanyang makakapareha habang buhay, na magpapadama sa kanyang ng labis na kaligayahan at pagmamahal sa hirap man o ginhawa at ito nga ay ang kanyang napakagandang maybahay na si Kat Ramnani.
Hindi naman kataka-taka na nabihag nito ang puso ng mahusay na mang-aawit, sapagkat talaga namang napakaganda ni Kat, lalo na’t ito ay isang Indonesian. Si Kat Ramnani ay isang executive assistant ng isang telecommunication company, kaya masasabi rin na ito ay may angking husay.
Si Christian Bautisa ay ikinasal sa kanyang napakagandang asawang si Kat Ramnani, noong ika-17 ng Nobyembre taong 2018, at makikita ngang ang kanilang pagsasamang mag-asawa ay talaga namang puno ng pagmamahalan.
Noong ikinasal ang dalawa ay ilan din sa mga kasamahan ni Christian sa industriya ng showbiz ang dumalo, kabilang na rito sina Sam Concepcion, Mark Bautista at Eric Santos. Naging bisita rin ng mag-asawa sa kanilang kasal ang sikat na si Cesca Litton, ay dumalo rin umano ang aktres na si Cris Villonco at businessman na si Christian Mark Jacob.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Christian at Kat ay dalawang beses na ikinasal, ang una ay naganap sa Indonesia, at ang ikalawa naman nilang pagpapakasal ay idinaos na sa Pilipinas.
Bago ikinasal ang dalawa ay dalawang taon din muna silang naging magkasinatahan. At sa napakaganda ngang lugar sa Venice, isinagawa ni Christian ang kanyang wedding proposal kay Kat Ramnani.
Kung bibisitahin naman ang social media account ni Christian ay makikita ang mga masasayang larawan nila ng kanyang asawa, kung saan ay nagpapahiwatig nga lamang ito na na maganda ang takbo ng pagsasama nilang dalawa. Kitang-kita kay Christian ang kanyang labis na pagmamahal kay Kat, at ganun rin naman ito sa kanya. Marami naman sa mga netizens at taga suporta ni Christian ang labis na humanga sa kagandahan ng kanyang misis na si Kat, at ang iba nga ay nagsasabi na maari rin itong mag-artista dahil sa taglay nitong ganda.
