Showbiz
Siya Pala Ang Magandang Babaeng Bumihag Sa Buhay Pag Ibig Ni Teddy Corpuz

Noong ika-23 ng Hunyo ay nagdiwang ng kaarawan ang napakagandang asawa ni it’s Showtime co-host Tedddy Corpuz na si Jasmine Corpuz. At sa sa espesyal na araw nga ng kaarawan ni Jasmine, ay isang matamis na mensahe ng pagbati ang ibinahagi ng singer, actor, at host na si Teddy para nga sa kanyang misis sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.
“Happy birthday to my queen, my muse, my bestriend, and my forever spulmate. I will never run out of good things to say to you. Amazing s3xy beautiful w!ld wife, best mom, and fearless & blunt best friend. I wish you’re genuinely happy with me and the kids. We love you so much b abe! @itsjhazmine”, ang naging IG post nga ni Teddy.
Matatandaan na ang mag-asawang Jasmine at Teddy Corpuz ay ikinasal noong taong 2006, at sa pamamagitan ng isang sorpresa ni Teddy sa kanyang misis sa Magpasikat performance sa It’s Showtime noong taong 2017, ay ni-renew nga nila ang kanilang wedding vows. “Lagi mo sinasabi sa akin na never akong nagpropose sa’yo. Kaya ngayon, sa harap mo, sa harap ng buong mundo”, ang naging saad ni Teddy, bago nga ito tuluyang lumuhod sa harap ng asawa habang katabi nito ang kanilang mga anak.
“… gusto kitang tanungin. Babe, will you marry me again?”, ang naging katanungan ni Teddy na agad namang binigyang tugon ni Jasmine ng “Yes”. Samantala, sa mismong araw nga na iyon, ay ikinasal muli ang mag-asawa, na labis namang kinakiligan at hinangaan ng maraming mga manonood ang naging pagpapadala ni Teddy ng pagmamahal niya para sa kanyang misis.
Bago nakilala sa Kapamilya network si Teddy Corpuz bilang isang co-host ng It’s Showtime, ay nauna muna itong mapanood noon sa isang palabas sa GMA network na “Idol Ko si Kap. Napanood rin siya noon sa isang fantaserye ng GMA, at ito nga ay ang pinamagatang “Sugo” na umere noong taong 2005, kung saan ay ginampanan niya ang karakter bilang si Pikoy. Sa parehong taon rin napanood sa pelikulang Isnats si Teddy, kung saan ay gumanap naman siya bilang si Gani.
Maliban nga sa isang host, ay mahusay rin na mang-aawit si Teddy, kung saan siya nga ang bumuo ng bandang Rocksteddy. Ang Rocksteddy na kilala rin bilang Acoustic Faith, ay unang nagkaroon ng album noong taong 2006. Taong 2009 ng unang mapanood sa noontime show na It’s Showtime si Teddy, at hanggang sa kasalukuyan nga ay nanatili siya sa nasabing show. Hindi nga lamang ang pagiging host at singer ang pinagkakaabalahan ngayon ni Teddy, dahil abala na rin ito ngayon sab ago niyang ginagawa, at ito nga ay ang pagba-vlog.
