Showbiz
Siya Pala Gwapong Ang Nagpatibok Ng Puso Ni Phoemela Baranda

Phoemela Baranda na ngayon nga ay limang buwan ng nagdadalang-tao sa magiging ikalawa niyang anak, kung saan ang panayam na ito ay patungkol sa kanyang November 2020 digital cover feature.
Sa nasabing panayam ay ibinunyag ni Phoemala kung sino nga ba ang ama ng kanyang ipinagbubuntis, at ito nga umano ay ang Filipino-Chinese businessman at isang professional race car driver na si Jason Chuachoy.
Nang ibahagi nga ni Phoemala ang patungkol sa ama ng kanyang ipinagbubuntis, ay marami sa kanyang mga tagahanga at mga netizens ang nais malaman kung sino nga itong si Jason Chuachoy na nagpatibok sa puso ng model-host.
Matatandaan na sa nakaraang panayam ni Phoemela noon sa Preview.ph, ay kanyang naibahagi na noon pang buwan ng Nobyembre taong 2019 nagsimula silang mag-date ni Jason. Sila ay nagkakakilala umano sa Formula V1 Endurance race sa Clark International Speedway sa Pampangga.
Dahil parehong race-car drivers, ay nagsimulang lumabas sina Jason at Phoemala kasama ang iba pa nilang malalapit na kaibigan, at halos nasa 7-taon na nga silang magkakilalang dalawa.
Minsan na rin namang narinig ng marami sa atin ang pangalan ni Jason Chuachoy, dahil naging nobyo ito noon ng Kapuso actress na si Rhianne Ramos, kung saan ay tumagal rin ng mahigit tatlong taon ang kanilang relasyon bago sila nauwi sa paghihiwalay. Si Jason Chuachoy ay isang kilalang multi-awarded race car driver. Ang kanyang karera bilang professional drifter ay nagsimula noon pang taong 2006. Ilang mga kumpetisyon na rin ang kanyang nilahukan, kabilang na ang Hyundai Lateral Drift competition.
Sa pahayag noon ni Jason ng makapanayam siya si Mico Halili noong buwan ng Oktubre taong 2014 para sa Yahoo! ay naibahagi niya na tatlong taong gulang pa lamang siya ng kahiligan niya ang mga sasakyan. At nagsimula siyang sumabak sa ‘racing’ ay edad na dose o trese siya.
“I already like cars when I was three years old. I started racing when I was 12 0r 13 years old”, ani Jason.
Marahil ay kilala siya ng mga tao bilang badboy pagdating sa racetracks, pero mayroon siyang labis na kinatatakutan, at ito nga ay ang mga ‘cockroaches’ o ‘ipis’ sa tagalog.
Nagmula sa pamilya ng mga Choachoy sa Cebu si Jason. Ang kanyang ina ay si Mary Jane Choachoy at Filipino engineer na si Sam son Lim Choachuy. Ang kanyang ama ay kilala rin sa spiritual name nitong si Master Choa Kok Sui. Maliban sa pagiging isang racer, ay may mga kinahihiligan ring sports si Jason, at isa na nga rito ay ang paglalaro ng tennis, na ginagawa niya bilang parte ng kanyan pagwo-workout. Mahilig rin umano itong mag-travel sa iba’t ibang mga lugar sa loob at labas ng bansa.
Makikita rin naman sa Instagram ni Jason ang pagkahilig niya sa iba’t ibang mga pagkain, at ito nga ang naging dahilan para asukin niya ang isang food-related business. Sa inilabas na artikulo noon ng Philippine Star nu’ng buwan ng Hulyo taong 2013 ay nilalaman nito na si Jason ay isa sa mga partner ng Rievera by Chef Patrice. Ang Rievera ay isa sa mga catering business na pagmamay-ari ng renowned Franch chef and restaurateur na si Patrice Freuslon. Iba nga sa kanilang mga partner ay sina Kerwin Yu, Atom Ungson at Andren Dizon.
