Connect with us

Inspiring

Siyam Na Magkakapatid Na Lumaki Sa Paninirahan Sa Barong-Barong Tinupad Ang Pangarap Na Tahanan Ng Kanilang Mga Magulang

Published

on

Masasabing isang inspirasyon ang kwentong buhay ng isang netizen na si Sar Calva at ang kaniyang walo pang kapatid. Mula sa isang social media group na Home Buddies, tunghayan natin ang kanilang kwento.

Isang inspirasyon na maghahatid sa mga magbabasa ng aral na ang buhay ay parang gulong, minsan nasa baba at minsan itataas ka. Hindi mo masasabing nasa baba ka nalang habang buhay, dahil ang buhay ay isang napakalaking surpresa. Narito ang kwento ng siyam na magkakapatid na tinupad ang pangarap para sa kanilang magulang.

Noon, nakikitira lamang sina Sar at kanyang pamilya sa kung kanino-kanino lamang, kung kayat naranasan na nilang mapalayas. Naranasan din nilang manirahan sa bundok kung saan walang kuryente at malayo sa buhay na mayroon sa syudad. Sa kabila ng kanilang estado sa buhay, hindi nakakalimutan ng kanilang magulang na paalalahanan silang magkakapatid na pahalagahan ang kanilang edukasyon. Kahit anong hirap at problemang kanilang pagdaanan, ginagawa ng kanilang magulang ang lahat ng paraan upang pag-aralin sila.

Dumating naman ang panahon na nagkaroon sila ng kanilang matatawag na bahay, at isa itong barong-barong. Sa paglipas ng panahon, tumanda ay nagkaroon na sila ng sari-sariling mga buhay. Sa kabila nito, hindi nila kinakalimutan ang kanilang munting pangarap para sa kanilang magulang.
Ngayon,

ang pangarap na iyon ay naisakatuparan na, ngunit, sa kasamaang palad, hindi na ito masisilayan ng kanilang magulang. Ngunit kahit wala na ang kanilang magulang, at kung saan man sila naroroon ngayon, alam nila na napasaya nila ito sa pagtupad nila sa kanilang pangarap.

Naganap at naisakatuparan ang pangarap na ito sa tulong ng kanilang isang kapatid na nanguna upang mabigyan ng buhay ang pangarap nila. Ayon pa kay Sar, labis ang kanilang kasiyahan dahil sa ginawa ng kanyang kapatid.

Kahit na hindi ito lisensiyadong arkitekto, siya ang nagplano ng kabuuan ng bahay sa tulong na din ng mga ambag na ideya ng ilang sa kanilang mga kapatid. Nang matapos ang kanilang pinapangarap na tahanan para sa kanilang magulang, walang katapusang saya sa kanilang puso ang kanilang naramdaman sa kadahilanang kahit papaano ay naibalik nila ang hirap na naranasan nila noon at kanilang magulang.

Malaki ang nagawa nilang bahay, masarap magkape at magbonding sa kanilang rooftop na gawain din ng magkakapatid. Ang mga ibang sangkap at gamit sa kanilang bahay ay pinagtulungan nilang mabili kung kayat halos mabuo na at nakompleto na nila ito.

Hindi man naabutan ng kanilang mga magulang ang pinapangarap na bahay para sa kanila, kung saan man sila naroroon alam nilang labis ang kasiyahan ng kanilang magulang sa pagtupad nilang siyam (9) na magkakapatid sa pinapangarap nilang tahanan.