Connect with us

Entertainment

Slater Young At Kryz Uy Masayang Ipinagdiwang Ang Ika-2 Taong Gulang Na Kaarawan ng Kanilang Anak Na Si Scotti

Published

on

Nagdiwang na ng ika-2 taong gulang na kaarawan ang panganay na anak nina Kryz Uy at Slater Young na si Scotti. At ang espesyal na araw nga na ito sa buhay ng kanilang anak ay ipinagdiwang ng mag-asawa noong araw ng Huwebes, ika-2 ng Hunyo ng kasalukuyang taon.
Sa social media ng mag-asawa ay makikita ang naging pagbabahagi nila ng nakakaantig na mensahe at pagbati para sa kanilang anak na nagdiriwang ng kaarawan.

“To my dearest baby boy, it’s been two years already??? Time flies so fast. Although I want to hold on to ‘baby scottie’ for as long as I can, I also cannot wait to see the man that you will become,” ang mensahe ni Slater para sa anak.

Pagbabahagi pa ng dating Pinoy Big Brother Big Winner, magmula nga ng siya ay maging isang magulang ay mas madami pa siyang natutunan sa buhay.
“Watching you grow is (and always will be) the greatest joy of my life. I’ve always thought that my role as a father was to teach and guide you. But you know what? I have learned far more from you. You taught me patience (definitely patience 😂), love, and most importantly, you taught me to find my purpose”, saad ni Slater.

Dagdag pa niya, “Thank you for being you. We love you.”
Sa kabilang banda naman ay nagbahagi rin si Kryz Uy ng kanyang heartwarming message para sa kanilang anak na si Scottie sa kanyang Instgaram account kung saan ay kanya ngang inihayag ang pagmamahal niya sa kanyang anak.

“Oh Scottie, what was life before you even? 🥹 Our first big blessing is now 2 years old. Every day you make our hearts sing. We love you so very much, Scott Knoa ♥️ Happiest Birthday!”, Ani Kryz sa kanyang IG post.

Matatandaan na ika-2 ng Hunyo taong 2020 ng isilang ni Kryz Uy ang panganay na anak nila ni Slater na si Scottie. Sa isang panayam pa nga noon sa mag-asawa ng Modern Parenting ay kanila ngang ibinahagi ang kanilang journey sa pagiging First Time Parent at kung paano mas nagbago ang kanilang buhay ng sila ay maging magulang.

“I’m just so happy. All I want to do is be with Scottie. There are more challenges and responsibilities, but it’s all worth it and very fulfilling,” saad ni Kryz sa nasabing panayam.
Ayon naman kay Slater, ng dumating si Scottie sa buhay nila ay nag-iba na ang goal niya sa buhay at mas prayoridad nga niya ang magandang kinabukasan na maibibigay sa kanyang anak.

“Now, when I think about starting a business, I think long term. I want it to be something that Scott can take over. A business that to use as a backup plan to rely on,” ani Slater.
Sa kasalukuyan ay dalawa na ang anak nina Kryz at Slater, dahil noong nakaraang buwan ng Mayo ay isinilang nga ni Kryz ang ikalawa nilang anak at ito ay si Sevi.