Connect with us

Entertainment

Sofia Andres Sa Pagiging Isang Mommy Kay Baby Zoe “Sobrang Sarap Sa feeling Mas Nag Mature Ako”

Published

on

Huling masilayan sa serye sa mga telebisyon si Sofia Andres, noong taong 2018, kung saan ay lumabas siya sa seryeng “Pusong Ligaw” at “Bagani”. Makalipas ang dalawang taong pagkawala sa telebisyon, ay muling magbabalik serye ang aktres, at ito ay sa bagong serye na ipapalabas ng Kapamilya channel, na “La Vida Lena”, na pagbibidahan naman ng aktres na si Erich Gonzales.

Samantala, matatandaan na biglang nawala sa mata ng publiko si Sofia noong nakaraang taon, at hindi rin ito naging aktibo sa kanyang showbiz career, at ang dahilan nga nito ay ang naging pagbubuntis at panganganak niya sa kanyang baby girl na si Zoe.

Isinilang ni Sofia si Zoe, noong ika-24 ng Nobyembre 2019, ngunit ang kanyang pagkakaroon ng anak ay isinapubliko ng aktres noong Pebrero 2020, kung saan ay binati niya ang kanyang partner sa buhay na si Daniel Miranda ng Father’s Day.

Ngayong magbabalik telebisyon si Sofia, tanong ng marami sa aktres ay kung tuloy tuloy na ba ang magiging pagbabalik telebisyon nito, at kung may limit

Ayon nga sa aktres, bago niya tinanggap ang proyekto na kinabibilangan niya na “La Vida Luna”, ay ipina-alam niya muna ito sa kanyang partner na si Daniel,kung papayag ba ito. At dahil sa sa safe naman, dahil lock-in taping ang gagawin at wala namang mga kissing scene ay pumayag ito.

Ibinahagi rin ni Sofia, na hindi naman ganun ka-strict ang boyfriend/partner niyang si Daniel, dahil sa naiintindihan naman umano nito ang kanyang trabaho.

Naitanong rin sa aktres, kung kamusta ang kanyang buhay, ngayon na siya ay isa ng mommy, at kung kamusta ang partner niyang si Daniel bilang daddy, at syempre kung paano niya hahatiin ang kanyang oras ngayon bilang isang mommy, at pagiging isang aktres, ngayong siya’y nagbabalik na sa showbiz.

“Una, ang feeling ng motherhood, sobrang sarap sa feeling mas nakilala ko ‘yung sarili ko as a mom, as a person. Nagbabago, nag-iiba, ‘yung version, parang version 2.0 ng pagkatao, mas naging understanding and nag-mature.”

“How’s Daniel as a dad? I am lucky to be honest kasi he’s young pero tineyk niya ‘yung responsibility, hindi niya kami iniwan mahal niya kaming dalawa, mas mahal niya ‘yung anak namin which I’m very proud of him.”

“Paano ko dini-divide ang time? Sinusulit ko ang break kasi halos one-month kaming lock-in. Kasama ko ‘yung daughter ko sa buong break na ‘yun, wala akong mini-miss na moment, kasi ang hirap mag lock-in, di ba? Medyo nakaka-miss but kailangan (mag-work)”, ang naging pahayag nga ng aktres patungkol sa mga katanungan sa kanya.

Samantala, sa nalalapit na seryeng “La Vida Luna”, ay magiging magkaribal sina Sofia Andres at Erich Gonzales, kung saan ay pag-aagawan nila ang karakter ng aktor na si Kit Thompson, gaganap bilang si Miguel sa nasabing serye.

Nalalapit na ngang umere sa iWant TFC, ang “La Vida Luna”, dahil ito ay ipapalabas na ngayong ika-14 ng Nobyembre 2020.

Ilan pa nga sa mga makakasama nina Sofia Andres, Erich Gonzales, at Kit Thompson sa “La Vida Luna”, ay sina JC De Vera, Carlo Aquino, Janice De Belen, Raymond Bagatsing, Christian Vasquez, Pen Medina, at marami pang ibang mga artista.