Connect with us

Entertainment

Sophie Albert Ibinahagi Ang Kanyang Nadaramang Kaligayahan Sa Piling Ng Aktor Na Si Vin Abrenica

Published

on

Inihayag ng Kapuso star na si Spphie Albert kung gaano siya kasaya sa piling ng nobyo niyang si Vin Abrenica, at sa kanya ngang naging mensahe sa kanyang IG account, ay madarama ang labis niyang pagmamahal para sa nobyong aktor.

Noon ngang ika-23 ng Enero ay nagbahagi si Sophie ng throwback photo nilang magkasintahan, at kalakip nito ay ang naging mensahe ng Kapuso star patungkol sa 8-taon na nilang relasyon na punong-puno umano ng pagmamahalan.

“Scrolling my gallery and realized whooah, how time flies! “We’ve known each other for 9 years, been together for 8 years, but swear it all feels like yesterday. “We’ve been through many milestone together, gone to many places, have done countless crazy stupid things and all I have really wanna say I’ve been living my best life since meeting you @vinaabrenica”, ang naging saad ni Sophie sa kanyang IG post.

Makikita naman sa comment box nito ang maikli ngunit napakatamis na reply ni Vin para kay Sophie.
“Love of my life”, ang naging maikli ngang pahayag ni Vin, ngunit tunay na nakakakilig.

Samantala, noon namang ika-27 ng Enero, ay ibinahagi rin ni Sophie, ang mga bagay na madalas nilang ginagawa ng nobyong aktor. At ayon nga sa kapuso star, hindi sila mahilig ni Vin Abrenica, sa mga ‘fancy dates’ , dahil mas nag-eenjoy silang dalawa kapag sa mga beaches sila nagpupunta ng magkasama.
“Fancy dates were never our thing. The sun, sand and the ocean, our happy pill forever”, ani ni Sophie.

Parehong produkto ng TV5 reality show na Artista Academy noong taong 2012 sina Sophie at Vin. At sa kanilang naging pagatatagpo sa nasabing reality show, ay dito na rin nabuo ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa nauwi sa magandang pagtitinginan at relasyon.

Matatandaan na sa naging panayam noon ng PEP.ph kay Vin, ay sinabi nito na taong 2013 ay magkarelasyon na sila ni Sophi. Maliban dito, ay naibahagi rin ng aktor, na taong 2016 ay nagkahiwalay silang dalawa ng nobya, na pareho nilang naging desisyon upang mabigyan muna ng pokus ang kani-kanilang mga career.

Isang taon at limang buwan ngang nagkahiwalay ang magkasintahan, at matapos nito ay muli silang nagkabalikan, kung saan ay ipinahiwatig nila ito sa kani-kanilang social media account sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga sweet photo nilang dalawa.

Ayon nga kay Vin, ay siya ang unang gumawa ng ‘first move’ upang magkabalikan sila ng nobya, at buong-buo naman siyang tinanggap muli ni Sophie sa buhay nito.

Sa ngayon ay isang exclusive star ng GMA Network si Sophie Albert, matapos niyang lumipat sa nasabing network noong taong 2016. Nakabilang siya noon sa prime time series na ‘Descendent of the Sun’, kung saan natin siya huling napanood sa telebisyon.

Samantala, si Vin Abrenica naman ay nagmula sa TV5 ngunit ngayon ay nasa ABS-CBN network na, ito ay matapos niyang lumipat dito noong taong 2016. Siya ay huli nating napanood sa ‘A Soldier’s Hert’, isa sa mga Kapamilya primetime series.