Connect with us

Entertainment

Star Magic Artist Na Si Andrea Brillantes Nakiisa Sa Clean-Up Drive Na Ginawa Sa Siargao

Published

on

Mahalaga na pagtuunan ng pansin sa panahon ngayon ang ating kalikasan, ito ay dahil batid natin na may nagiging epekto ang pagkasira ng kalikasan sa atin, kagaya na nga lamang ng nararanasan natin na global warming.Ang simpleng paglilinis ng ating kapaligiran ay isa naman talaga sa mga bagay na makakatulong upang mapangalagaan ang ating kalikasan.

Samantala, ukol sa usapin na ito, nito nga lamang nakaraan ay hinangaan ng maraming netizens ang aktres na si Andrea Brillantes, ito ay matapos nga siyang ma-spottan na naglilinis sa beach ng Siargao kung saan kamakailan ay nagbakasyon siya kasama ang kasintahan niyang si Ricci.

Ayon sa ulat matapos ang ginanap na Star Magic games noong nakaraang buwan ay kaagad ngang nagtungo sa Siargao si Andrea at boyfriend niyang si Ricci Rivero kasama ng ilan sa kanilang magkaibigan upang magbakasyon. Sa Siargao din umano ipinagdiwang ng magkasintahan ang ika-24 taong gulang na kaarawan ni Ricci noong ika-25 ng buwan ng Mayo.

Maliban nga sa pag-enjoy sa kanilang bakasyon sa Siargao, ang 19-taong gulang na Start Magic artist ay hindi rin pinalampas ang makagawanng magandang bagay sa ating kalikasan, kung saan siya nga ay nakiisa sa beach clean up na #BangonSiargao,na ang layunin ay ang maibalik ang likas na kagandahan at kalikasan ng isla ito ay matapos nitong masalanta ng Bagyong Odette noong nakaraang buwan ng Disyembre.

Makikita sa Instagram post ni Andrea noong ika-3 ng Hunyo ang pagbabahagi niya ng video clip kung saan makikita ang naging experience niya habang siya ay nasa Siargao.
“Be part of the solution not part of the pollution”

“15 bags of plastic waste C O L L E C T E D and ready to be recycled that’s 15 bags of plastic bottles, cups, bags, and etc that will no longer harm marine life Sana if mag visit kayo dito sa Siargao or sa any island eh mag participate din kayo sa clean-up drives ”, saad ni Andrea sa caption ng kanyang IG post.

Matatandaan na si Andrea Brillantes ay isa s mga bumida sa primetime series na “Huwag Kang Mangamba” na umere sa telebisyon noong nakaraang taon. Matapos naman ng naturang serye ay napabilang naman ang 19-taong gulang na aktres sa upcoming musical series na Lyric and Beat Along, kung saan ay kasama niya sina Seth Fedelin, Darren Espanto at AC Bonifacio. Ang nasabing musical series ay ipapalabas ngayong taon.