Showbiz
Starstruck Alumnus na Si Rainer Castillo Ito Ang Buhay Ngayon Matapos Talikuran Ang Showbiz

Hindi nga naman lahat ng pumapasok sa showbiz ay dito natatagpuan ang kaligayahan na pinapangarap sa buhay, kagaya na lamang ng ilang mga aktor at aktres na piniling talikuran ang kasikatan upang magkaroon ng isang simple at masayang buhay sa labas ng industriya kung saan sila nakilala.
Ang iba nga sa kanila ay mas pinili ang magkaroon ng pribadong buhay lalo na ng sila ay magdesisyon na lumagay sa tahimik at bumuo ng sarili nilang pamilya. Isa na nga sa mga ito ang dating aktor at Starstruck alumnus na si Rainier Castillo.
Kung inyo pang natatandaan si Rainier ay matatandaan na isa siya sa mga Starstruck alumunus noon na nagpamalas ng kanyang husay at talento sa pag-arte, kung kaya naman marami ring mga oportunidad ang nagbukas sa kanya, kabilang na dito ang mga pelikula at teleserye na kanyang pinagbidahan.
Ilan lamang nga sa mga hindi malilimutang palabas na pinagbidahan ni Rainier na tumatak sa puso ng maraming mga manonood ay ang “Bakekang’, “Mahika”, “Mulawin” at “Kamandag.”
Ngunit sa kasalukuyan nga ay hindi na aktibo sa pag-aartista si Rainier, kaya naman tanong ng marami at ng mga tagahanga niya, ay kung nasaan na nga ba ang aktor at kung ano ang na ang buhay na tinatahak nito ngayon matapos niyang talikuran ang pagiging isa niyang artista.
Kahit nga hindi na aktibo ngayon sa showbiz si Rainer ay masisilip pa rin kung ano na nga ang buhay niya ngayon, ito nga ay sa pamamagitan ng social media. Makikita sa social media ng dating aktor na ngayon ay namumuhay nga ito ng simple kasama ang binuo niyang munting pamilya.
Ang dati ngang nagpapatibok at nagpapakilig sa maraming kababaihan dahil sa kanyang ‘charming smile’ ay mayroon ng pinaglalaanan ng kanyang pagmamahal, ito nga ay ang matagal niyang nobya at napangasawa na si Diane Quizon. Sa ilang mga larawan din na ibinahagi ni Rainier sa kanyang social media account ay makikita rin na siya ay isa ng ganap na ama, sa supling nila ni Diane na si Stellar Quinn.
Magmula sa pag-aartista, ay ang pagiging isang negosyante naman ngayon ang tinatahak na karera ni Rainier. Matapos ngang iwan ng dating aktor ang pag-aartista ay nagtayo siya ng isang gym na matatagpuan sa Quezon City. Kasosyo rin nga niya sa negosyong ito ang ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan, kabilang na nga ang ka-batch niya sa Starstruck na si Mark Herras.
Samantala, hindi naman tuluyang iniwan ni Rainer ang mundo ng showbiz, sapagkat paminsan-minsan ay napapanood pa rin naman siya sa telebisyon kapag siya ay nage-guesting. Matatandaan nga na noong Hunyo taong 2020 ay nag-guest si Rainier sa segment ng Eat Bulaga na ‘Bawal Judgemental’.
