Connect with us

Showbiz

Sulyapan Ang Bagong Disenyo Na Modern Rustic House Ng Pamilya Ni Ina Raymundo

Published

on

Hindi naman maitatanggi na pagdating sa paseksihan at paggandahan sa mundo ng showbiz, ay hindi pa rin mawawala sa listahan nito ang celebrity mom na si Ina Raymundo. Si Ina Raymundo ay isa sa mga aktres sa showbiz na hindi lang hinahangaan dahil sa kanyang angking husay sa pag-aartista kundi pinantansya din ng marami dahil sa taglay niyang kagandahan at kaseksihan. Samantala, kahit naman isa ng ganap na ina ngayon si Ina sa limang mga anak nila ng asawa niyang si Brian Poturnak na sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika at Minka, ay hindi pa rin nga naglalaho ang taglay na karisma at kaseksihan ng aktres.

Pagdating naman sa pagiging isang magulang, ay sinigurado ng mag-asawang Ina at Brian na mabibigyan nila ang kanilang mga anak ng isang mayos at kumportableng tahanan kung saan ay makakagalaw nga ng maayos ang mga ito. Sa naging pahayag ni Ina, noon ay tila isang naging malaking playground ang bahay nila, ito nga ay dahil hinahayaan lamang niya ang mga anak na mag-enjoy sa paglalaro saan ang sulok ng kanilang tahanan.

“I allowed them to do whatever they wanted at home. They turned our living room into art room, playground, a sports center, etc… because I wanted them to have fun”, pahayag ni Ina.
At ngayon nga na mga binata at dalaga na ang mga anak nila ng kanyang asawa, ay mas nagkaroon na si Ina ng pagkakataon na maisaayos ito, kaya naman ang dating art room nilang bahay ngayon ay isa ng modern rustic home.

Nito nga lamang nakaraan ay masayang ipinasilip ni Ina sa publiko ang bagong disenyo at ayos ng kanilang tahanan, sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng showrt video clip sa kanyang Instagram.
Pagpasok pa nga lamang ng tahanan ng pamilya ng aktres ay bubungad na ang kanilang Den area na mayroong malaking telebisyon na Flat screen at isang sofa.

Ang kanila namang kitchen & dining area, ay nasa tapat lamang kanilang living room kung saan mula rito ay agad na matatanaw nga ang kanilang mahabang dining table na gawa sa purong kahoy. Halos ilang hakbang lang naman mula sa dining area, ay nasa kitchen ka na kung saan makikita naman ang mga magagandang klase nilang appliances. Hindi rin matatawaran ang ganda ng kanilang living room, lalo na at kita mula rito ang magandang tanawin sa labas ng kanilang tahanan. Ikinatuwa naman ng mga tagahanga ni Ina ang naging pagpapasilip ng aktres sa kanilang tahanan.