Connect with us

Showbiz

Sulyapan Ang Buhay Ngayon Ng Mga Bakekang Childstar Na Sina Krystal Reyes At Eunice Lagusad

Published

on

Natatandaan niyo pa ba ang mga child star na sina Jolina Marie ‘Krystal’ Reyes at Eunice ‘Charming’ Lagusad? Sila ay mga batang child star na naging tanyag sa showbiz noong taong 2006 nang umere sa telebisyon sa GMA Telebabad ang “Bakekang.” Sina Krystal at Charming ang mga gumanap bilang anak ni Bakekang, na ginampanan naman ng aktres na si Sunshine Dizon. Dahil sa mahusay na pagbibigay buhay nina Krystal at Charming sa kanilang mga karakter ay lubos silang minahal ng maraming mga manonood.

Matapos ang matagumpay na proyekto nilang ito na ‘Bakekang’ ay muling nagkaroon ng proyekto ang dalawang child star. Nagsama silang muli sa GMA drama series na “Princess Charming” na ipinalabas naman sa telebisyon noong taong 2007. Hindi naman nagtagal ay nagkahiwalay na ng landas sina Krystal at Charming. Nagsimula na rin silang bumuo ng kani-kanilang pangalan sa entertainment industry.

Samantala, nito lamang nakaraan ay naging tampok sa programang ‘Tunay na Buhay’ ang buhay ng ‘Bakekang’ child star, kung saan dito ay nasilip natin kung ano na nga ba ang buhay nila ngayon at kung nasaan na sila. Si Eunice Lagusag o nakilala nga ng marami bilang si Charming ay ipinagpatuloy ang kanyang karera sa pag-arte, kung saan ngayon ay mas kilala siya sa mga pag-ganap niya bilang best friend ng mga bidang karater sa ilang mga palabas sa GMA.

Maliban sa pag-arte, ay kina-career din niya ngayon ang pagme-make up sa kanyang sarili, lalo na’t nakahiligan niya na ito. Ang kasamahan naman ni Eunice noon sa Bakekang na si Marie ‘Krystal’ Reyes ay tila iba na ang naging linya sa buhay. Kung noon ay umaarte ito sa telebisyon, ngayon ay mas pokus at abala ito sa kanyang negosyo, kung saan ay kina-career nito ang pagla-live selling ng mga produkto niya.

Ayon sa ulat, ilan sa mga ibenebentang produkto ni Krystal sa online ay mga brand at pre-but well-loved clothes. Sa kabila nito, paminsan-minsan naman ay tumatanggap pa rin siya ng mga proyektong pang telebisyon. Pareho namang nahihilig sa vlogging ngayon sina Eunice at Krystal.

At kahit na magkaiba na ang kanilang pinagkakaabalahan, nang maimbitahan ang dalawa sa programangTunay na Buhay ng GMA ay kapansin-pansin na malapit pa rin sila sa isa’t isa kahit na matagal na silang hindi nagkakasama. Kitang-kita naman ngayon sa dalawang dating child star ang naging glow-up nila, kung saan ay pareho nga silang dalagang-dalaga na.