Showbiz
Sulyapan Ang Buhay Ngayon Ng Sikat Na Modelo At Eat Bulaga Co-Host Na Si Alicia Mayer

Magmula ng talikuran ni Catherine Gutierrez o mas nakilala nga ng publiko bilang si Alicia Meyer ang kanyang buhay sa mundo ng showbiz, ay hindi na nga siya nasilayan pa ng maraming mga manonood sa telebisyon. Dahilan nga ito upang ang kanyang mga naging tagahanga ay magnais na malaman kung kamusta na nga ba ang buhay nito ngayon.
Matatandaan na si Alicia Mayer ay nagsimula sa pagmo-modelo bago niya pasukin ang pagiging isang artista. Taong 2003 ng maging cover girl siya ng FHM. Naging isa naman siyang co-host ng longest running noontime show na Eat Bulaga noong taong 2004 hanggang taong 2006, kung saan ay ipinamalas niya ang galing sa ‘hosting’.
Ilan sa mga kinabilangan niyang proyekto ay ang “Saang Sulok ng Langit” isang soap opera kung saan siya ay gumanap bilang si Julianna. Napabilang rin siya sa programang “Lagot Ka, Isusumbong Kita” isang comedy show na umere naman noong taong 2007 sa GMA-7. Ayon sa ilang mga ulat, iniwan ni Alicia ang kanyang kasikatan ng pakasalan niya ang kanyang mister na nakilala niya online. At makalipas nga lamang ang ilang taon, ay nagdesisyon na siyang manirahan sa Los Angeles kung saan ito nakatira, upang makasama ito.
Sa ngayon nga ay naka-base si Alicia Mayer sa Los Angeles, California kasama ang kanyang mister at ang kanilang tatlong naging anak. Ibinahagi ni Alicia Mayer sa isang panayam sa kanya ang kuwento ng pagkakakilala nila ng kanyang asawa, at kung paano nga nahantong ang lahat sa matamis na pag-iibigan. “I think we met December 2013 tapos eksakto pupunta siya ng Pilipinas so when he went to the Philippines we decided to meet up, si nagmeet-up kami one time lang, nagkita kami dun sa Peninsula ano yung bar dun sa may lobby, may bar dun sa lobby eh sa Peninsula.
“So dun kami nagpunta and then after that eksakto na I was gonna visit my sister here in March so after 3 months nagpunta ako dito kasi bakasyon ng schooling dyan. We stayed here for 2 months tapos dun nag-date na kami dito. So when we dated here, dun kami lalong naging parang sure dun sa relationship naming”, pahayag ni Alicia sa panayam sa kanya ni Chris Tan.
Dagdag pa niya, “Went to Philippines, we dated for another year and then after that, we worked on my me moving there, would you believe like, as in iniwan ko yung work ko, my priority is still in the Philippines.”
Maliban sa kanyang karera, ay iniwan din ni Alicia ang kanyang mga naging ari-arian ng manirahan siya sa LA, California kasama ang kanyang asawa. Isa nga sa mga negosyo na kanyang isinara ay ang salon niya sa SM, na halos dalawang taon rin niyang pinamahalaan. Siyempre kasama rin sa mga naiwan niya umano sa Pilipinas, ay ang mga kaibigan niya na malalapit sa kanya. Hindi naman naging mahirap para kay Alicia na makapag-adjust sa California, dahil meron siyang pamilya na natatakbuhan roon, sapagkat ang kanyang ina at kapatid na babae ay nakabase sa Amerika.
