Connect with us

Showbiz

Sulyapan Ang Buhay Ngayon Ni Dindin Llanera Ang Dating Little Miss Philippines Ng Eat Bulaga Noong Deakada 90

Published

on

Si Dindin Llanera o sa tunay na buhay nga ay si Shanadine Llanera ay isa sa mga batang babae na nakilala at sumikat noon sa mundo ng showbiz, matapos niyang sumali noong dekada 90 sa kumpetisyon na Little Miss Philippines, isa sa mga popular na segment ng Eat Bulaga. Ang Little Miss Philippines ay isa sa mga segment ng GMA noontime show na Eat Bulaga na nagbukas ng pinto ng oportunidad na pasukin ang mundo ng showbiz sa mga batang babae na may angking talento at kabibohan.

Isa nga si Dindin Llanera sa mga batang babae noon na sumali sa nasabing kumpetisyon, at dahil sa kanyang taglay na talento, lalo na pagdating sa pagkanta, ay naiuwi nga niya ang titulo at korona.
Sa pagkapanalo ni Dindin, ay nagbukas sa kanyang ang maraming oportunidad, at isa na nga sa mga hindi malilimutan niyang naging performance ay ng kanyang maka-duet si David Pomeranz,

ang isa sa mga sikat na singer na nagpasikat nga nga mga magagandang awitin kagaya na lamang ng Born For You, Got to Believe in Magic, On This Day, King and Queen of Hearts, I Still Believe in You, If You Walked Away at marami pang iba.

Ngunit sa kabila ng magandang takbo ng karera ni Dindin, ay pinili niyang talikuran ang showbiz career niya, ito ay dahil mas ninais nga niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. At dahil sa kanyang naging desisyon, nakapagtapos siya ng kursong Business Administration sa ComTeq Computer and Business College sa Olongapo City. Siya din ay nakapagtrabaho sa PTT Philippines Foundation, Inc. bilang isang Corporate Services Responsibility Associate.

Marami naman ang nasiyahan noong maimbitahan si Dindin na maging judges sa Little Miss Philippines noong taong 2014, kung saan ay marami ngang mga netizens ang nagparating ng pagka-miss nila sa kanya lao na sa napakaganda niyang tinig kapag siya ay umaawit. Noong buwan ng Pebrero taong 2020 ay ikasal si Dindin sa kanyang foreign parter na si Robby Volosin, at ang kanilang pagsasama ay nabiyayaan na rin ng isang anak. Sa ngayon ay masaya ang buhay ni Dindin kasama ang binuo niyang pamilya at pagiging pribado ng kanilang buhay.