Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Buhay Ngayon Sa Amerika Ng Dating “T.G.I.S” Actress Na Si Kim Delos Santos

Published

on

Isa sa mga popular na palabas noong 90’s na kinabibilangan ng mga sikat na teen actress’s noon ay ang TV show na “T.G.I.S” o “Thank God It’s Sabado.” Marami nga sa mga teen actress noon na kabilang sa show na ito, ang hindi na natin nakikita ngayon sa mundo ng showbiz, at ito nga ay dahil sa ibang karera na ang kanilang tinatahak ngayon.

Ang teen actress na kabilang noon sa T.G.I.S na talaga namang naging sikat at popular sa mundo ng showbiz noon ay si Kim Delos Santos. Ngunit sa kabila nga ng kanyang tinatamasang kasikatan, ay mas pinili nito na iwanan ang showbiz, at mamuhay ng simple at pribado.

Napag-alaman nga natin na mula sa pagiging isang sikat na aktres, ay nasa Amerika na naninirahan ngayon si Kim, kung saan ay doon na rin siya tumatahak ng ibang karera sa buhay. Nagtatrabaho nga sa nasabing bansa ang dating aktres bilang isang medical frontliner.

Sa naging panayam kay Kim sa ‘Just In’, isa sa mga Kapuso Online Talk Show, ay kanya ngang ikinuwento ang buhay niya sa bansang Amerika, mula nga ng siya ay mag-migrate dito.

Ayon nga sa dating aktres, taong 2004 ng lisanin niya ang bansa para mag-migrate sa Amerika. Kwento pa ni Kim, nang siya’y dumating sa nasabing bansa, ay iba’t ibang trabaho ang kanyang napasukan at nasubukan .

Taong 2009 naman ng siya’y magdesisyon na bumalik sa pag-aaral, upang matapos niya at matupad niya ang pangarap niyang maging isang Licensed Practical Nurse. Hindi naman siya nabigo, dahil sa parehong taon rin, ay nakuha niya ang kanyang lisensya.

Dagdag na saad pa ni Kim, taong 2010 ng magsimula siyang magtrabaho bilang isang Dialysis nurse sa Amerika, kung saan ay halos labing -isang taon na nga siya sa trabaho niyang ito.
Samantala, maliban nga sa pagiging isang Licensed Practical Nurse ni Kim, ay isa rin siyang Registered nurse sa Amerika.

Aminado naman si Kim, na bago niya naabot ang karera na tinatahak niya ngayon, ay marami rin siyang pagsubok na pinagdaanan ng siya’y magsimulang mamuhay sa Amerika.
“At first, medyo mahirap siya as in, kasi hindi naman ako nakapagtapos sa Pilipinas eh. So, I have to start from the bottom up”, ani Kim.

Ibinahagi rin ni Kim sa panayam niyang ito, na ngayon ay nag-aaral siyang muli, upang mas palawakin pa ang kanyang ka dalubhasaan. Bumalik nga siya sa pag-aaral upang maging isang Psychiatric Mental Health Nurse Practitioner.

Nang tanungin naman si Kim kung bakit niya gusto na maging isang Psychiatric Mental Health Nurse Practitioner, ay sinabi ng dating aktres na nais niyang makatulong sa mga taong dumadaan o nakakaranas ng mental health problems.

“Ang hindi napapansin ng mga tao, malaking epekto sa mga bata rin, because they are not going to school right now and they’re [at] home and they are isolated. Kung may siblings sila, syempre okay lang. Kung wala silang siblings, It’s not really good for them, so medyo naninibago sila.”vBago nga matapos ang panayam sa dating T.G.I.S actress, ay sinabi nga nito na mahal niya ang kanyang trabaho ngayon, at masaya siya sa buhay niya sa Amerika.