Showbiz
Sulyapan Ang Fit At Good Looks Ng Dating Aktres Na Si Alice Dixson Sa Beach

Tunay namang hindi nakakasawa at hanggang ngayon ay nakamamangha pa rin ang kagandahan at kaseksihan na taglay ng aktres na si Alice Dixson. Ganito ang pinatunayan ng pinakabago niyang larawan na ini-upload sa kanyang social media account kung saan ay masasabi naman talaga na siya ay isang beach goddess.
Nito nga lamang nakaraan ay nagbahago sa kanyang Instagram account ang 52-taong gulang na First Lady Star na si Alice Dixson ng mga magaganda nilang larawan sa beach ng kanyang anak na si Baby A. Sa nasabing larawan ay kaagad namang mapapansin ang fit at fab look ng celebrity mom sa kanyang suot na bikini at loose shirt.
“50 shades of tan. Nasa shade 25 na ako hihi”, saad n Alice sa kanyang caption. Samantala, bago pa man nga ang larawan niyang ito, ay mapapansin sa Instagram ng aktres ang nauna niya pang mga ibinahagi kagaya na lamang ng maikling video ng anak niyang si Baby A habang ito ay nakatayo sa may tubig dagat habang tila nga may maliit na baby shark na lumalangoy sa palibot nito.
“babies mouths are too small to bite…”, ang naging saad na caption naman ni Alice sa naturang video.
Makikita naman sa naturang video na kahit nakatalikod si Baby A ay tila naman talagang ine-enjoy nito ang pag-stay niya sa may tubig habang siya nga ay nakatayo sa tila isang poste na kahoy
Matatandaan na noong taong 2021 ng unang isapubliko ng aktres na si Alice Dixson ang patungkol sa pagkakaroon na niya ng anak na bunga ng surrogacy at ito nga ay si Baby A. Saad nga ng aktres ng ipakilala niya sa lahat ang anak, ay matagal na umano niyang pinagdarasal ang maging isang ina, kung saan halos 10-taon din nga ang kanyang hinintay, kaya naman talagang malaki ang kanyang pasasalamat at labis ang kanyang galak sa pagdating ng anak niyang si Baby A sa kanyang buhay.
“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles,” saad ni Alice sa kanyang Instagram post. Sa kabila nga ng pagiging isang ina ni Alice at sa kanyang edad na 51-taong gulang na ay hindi maikakaila na isa pa rin siya sa mga stunning mommy ngayon na tunay na hinahangaan at nagbibigay inspirasyon sa marami.
