Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Ika-19 Taong Kaarawan Ng Singer Na Si Jayda Avanzado Ang Unica Hija Nina Dingdong Avanzado At Jessa Zaragoza

Published

on

Nito lamang ika-1 ng buwan ng Hunyo araw ng Miyerkules ay nagdiwang ng kanyang ika-19 taong kaarawan ang only child ng mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na si Jayda Avanzado.
Maliban sa pagiging anak ng dalawang mahuhusay na mang-aawit sa mundo ng musika ay kilala din si Jayda bilang isang mang-aawit at bumubuo nga ng kanyang sariling pangalan sa industriya. Hindi naman maitatanggi ang pagiging mahusay na mang-aawit din ni Jayda at ito nga ay namana niya sa kanyang mga magulang.

Ilan nga sa mga awitin ni Jayda na talagang nagpasikat sa kanya sa industriya ng musika ay ang Happy For You”, “M.U. (Malabong Usapan)”, and “Paano Kung Naging Tayo?”. Matatandaan na noong nakaraang taon ng una niyang i-release ang kanyang debut studio album na may titulong “Bahagi.”
Samantala sa pagdiriwang nga ng kanyang ika-19 taong kaarawan ay nagbahagi sa kanyang Instagram si Jayda ng ilang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon kung saan ay kasama nga niya ang kanyang mga magulang na sina Jessa at Dingdong.

Makikita rin sa ilang mga larawan na ibinahagi ni Jayda na present din ang dalawa sa matalik niyang kaibigan sa showbiz ang naroon at ito nga ay nag aktres na si Francine Diaz at ang mang-aawit na si Ehla Nympha.

“Celebrated my 19th orbit around the sun with the rest of ‘the tres marites’ & my fam,” saad ni Jayda sa kanyang caption sa IG post niya.Marami naman sa mga tagahanga ni Jayda ang nagpaabot ng birthdays greetings para sa kanya.
Sa kabilang banda naman, nagpaabot din ng kanilang pagbati sa anak nila ang mag-asawang Jessa at Dingdong at ito ay kanila ngang ibinahagi sa kani-kanilang Instagram account.

“Blessed 19th Birthday to you, our one and only baby, @jayda. Mom & Dad loves you very very much”, saad ni Jessa sa kanyang Instagram bilang pagbati nga niya sa napakaganda niyang anal. Kalakip din ng pagbati niyang ito ay ang larawan nilang pamilya.

Ang mister naman ni Jessa na si Dingdong ay isang throwback photo ang ibinahagi kung saan makikita silang mag-ama.”I still can’t believe you look like this already. Cuz in my mind… you still look like this… Happy 19th Birthday my precious one”, mensahe nga ni Dingdong para sa anak na itinuturing nga niyang kanyang precious one. Sa kasalukuyan ay napapanood natin si Jayda bilang isa sa mga mainstay ng ABS-CBN comcert variety program na ASAP Natin ‘To.