Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Kamangha Manghang House Tour Ni Kiray Celis Sa Tagaytay

Published

on

Talaga namang isa sa mga talento ni Kiray Celis ay ang magbigay aliw sa mga manonood lalo na sa kanyang mga tagahanga. Kaya naman ngayon ay hindi lang sa telebisyon niya ipinapamalas ang kanyang pagiging isang komedyana kundi maging sa kanya ring mga video vlog sa kanyang YouTube channel.

Kamakailan nga lamang ay lubos na kinaaliwan ng maraming mga netizens ang Kapuso Comedienne na si Kiray Celis, ito nga ay matapos nitong mag-upload ng isang video vlog sa channel niya sa YouTube na patungkol sa isang house tour.

Karamihan nga sa mga nanood ng naturang video vlog ni Kiray ay talaga namang naloka ng matapos na nga ng aktres ang vlog niyang ito, dahil sa una nga ay aakalain na tila sa kanya ang napakagandang bahay dahil feel na feel niya ito.

Ipinakita nga ni Kiray sa kanyang bagong vlog ang isang ‘exclusive house tour’ kung saan ay talaga namang ang nilibot niyang bahay ay makikita ngang napakalawak, laki at ganda nito. Mapapansin pa nga na may mga asong kasama sa house tour ng aktres.

Samantala, una ngang ipinasilip ni Kiray sa kanyang video vlog ang ayon nga sa kanya ay silid umano ng kanyang ama, kung saan ito pa nga ay may sariling banyo. Dagdag pa ng komedyanteng aktres, simple lamang ang ama niya kaya naman walang masyadong gamit sa silid nito.

Mapapansin naman na kahit walang masyadong kagamitan ang silid na ipinasilip ng aktres ay makikita na napakaganda at lawak nito. “Gusto kasi ni Papa simple lang. Ito ‘yung kama, matibay na pundasyon. Wala pa masyado appliances so electricfan lang muna”, chika ng ani Kiray.

Ibinahagi nga rin ni Kiray kung gaano siya ka-proud sa bahay na ayon nga sa kanya ay kanyang napundar “Talaga namang masasabi ko na napakaganda ng naipundar naming bahay”, ani pa nito.
Ipinasilip rin ni Kiray ang iba pang nag-gagandahang bahagi ng naturang bahay kung saan nga ay talagang mapapamangha ka sa ganda. Kabilang na nga rito ay ang malawak na kitchen, dining at pati na nga ang living room.

Ipinakita rin niya ang di umanoy paborito niyang bahagi ng bahay, dahil mula nga doon ay matatanaw ang napakaganda at luntiang tanawin sa labas. “Ito na ang pinakamagandang view sa lahat. Paglabas mo ito ang makikita mo.” Kay ganda nga naman sa paningin at talagang nakakawala ng problema ang tanawin na ipinakita ng komedyanteng aktres

“Talagang life is so beautiful. And so we are. Napakasarap sa feeling na makita lahat ng pinaghirapan mo”, ang naging sey pa ni Kiray na talagang pinagdidiinan na di umanoy pundar niya ang naturang bahay.

Dagdag pa niya, “Ang galing din ng parents ko kasi talagang ang sinop nila. Alam nila kung saan ilalagay ang pera ko.” Pagbabahagi pa ni Kiray,dinidiretso niyang binibigay sa kanyang magulang ang lahat ng kinikita niya sa kanyang trabaho dahil sa nais nga niyang mabigyan ang mga ito ng isang masagana at maginhawang buhay.

Sa kabila nito, nang tatapusin na nga ng Kapuso actress-comedienne ang kanyangvideo vlog house tour, ay bigla na lamang sumulpot ang kanyang ama, at sinabi nga na “Halika na, check out na tayo. Uwi na tayo.”

Sa pagkakataon ngang ito nabuko na si Kiray, at sinabi na nga niya sa lahat ng kanyang mga subscriber na ang bahay ay hindi talaga sa kanila. “Okay babies. It’s a prank! Hindi po namin bahay ‘to. Ni-rent lang naming ang rest house na ito. It’s a prank babies!”