Showbiz
Sulyapan Ang Kaseksihan Ni Rhian Ramos Habang Nag Bake Ng Cookies Suot Ang Napaka Gandang Outfit

Muling umagaw pansin sa mga netizens ang aktres na si Rhian Ramos sa social media nito lamang nakaraan matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang larawan niya na nagbi-bake ng cookies habang siya’y nakasuot ng napakaseksing outfit. Nito nga lamang araw ng Linggo, ika-22 ng Agosto ay makikita sa IG ng aktres ang kanyang ibinahaging larawan, kung saan siya ay nakasuot ng seksing outfit na V bottom printed tube croptop at black bikini bottom.
Kalakip ng larawan na ito ay ang naging caption ni Rhian na; “Can BAS BAKES be a thing? I’m really into cookies.” Makikita naman sa comment box ng nasabing IG post ni Rhian ang mga naging komento ng papuri ng kanyang mga kapwa celebrity, kung saan ay pinuri nga ng mga ito ang angkin at taglay na kaseksihan ng aktres.
Samantala, isa nga sa mga kilalang personalidad sa showbiz na nagbigay komento sa post na ito ni Rhian ay si Hayden Kho na pabiro ngang sinabi na sa naging outfit nito sa pag-bake ay nakulangan ito ng hairnet, dahil sa dapat ay naka-hairnet kapag nagbi-bake. Umani naman na ng napakaraming reaksyon at komento ang naging IG post na ito ng aktres, kung saan ay mula ng i-post niya ito at malathala sa social media ay naka-mahigit 78,000 likes na ito sa Instagram.
Kitang-kita nga naman sa mga larawan ni Rhian habang siya ay nagbi-bake kung gaano ka-fit at ka-sexy ngayon ang aktres, idagdag pa ang naging kamangha-mangha niyang outfit na nagpalitaw pa nga ng kanyang taglay na karisma at ganda ng katawan. Si Rhian Denise Ramos Howell ay isa sa mga kilalang artista sa mundo ng showbiz, maliban pa dito siya rin ay isang modelo, mang-aawit at marunong rin magmaneho ng pangkarerang sasakyan.
Matatandaan na siya ay unang bumida sa seryeng pantelebisyon na “Captain Barbell” na umere noong taong 2006. Napabilang din siya sa Pilipinong adaptasyon ng Koreanovelang “Stairway to Heaven” na ipinalabas nga sa GMA-7. Una naman lumabas sa pelikulang “The Promise” si Rhian kung saan siya nga ay nagkamit ng isang Golden Screen Award para sa Pambihirang Pagganap ng isang Aktres.
