Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Loob ng Magarang Customized Van Ng Mag Asawang Mariel At Robin Padilla Na May Sariling CR

Published

on

Karaniwan na nating nakikita na gamit ng mga bigatin at sikat na artista sa kanilang pagtatrabaho ay ang ‘luxury van’, kung saan halos nga ng kanilang kinakailangan ay nasa loob na nito kaya naman sila ay kumportableng-kumporatable kahit na sila’y nasa kanila lamang sasakyan.
Ilan nga sa mga bigating artista na mayroong ‘luxury van’ ay sina VVice Ganda, Manny Pacquiao at Kris Aquino.

Samantala, isa pa nga sa mga bigating artista sa industriya ng showbiz na nagmamay-ari rin ng bonggang customized luxury van ay ang celebrity couple na sina Mariel Rodriguez at Mariel Padilla.
Kamakailan nga lamang ay ipinasilip ng mag-asawa ang kanilang bonggang customized luxury van, kung saan ay talaga namang kamangha-mangha ang ‘interior’ at ang halaga nga nito ay umabot rin umano sa ilang milyon.

Makikita nga sa loob ng van ng mag-asawa na ito’y isang napaka-kumporatableng sasakyan, dahil sa halos lahat nga naman ng kanilang kinakailangan ay nasa loob na nito. Ang maganda pa dito, hindi na kinakailangan pang mag-stop over para lamang mag-cr dahil sa loob mismo ng kanilang van ay nagpalagay na sila ng sarili nilang comfort room.

Ayon kay Mariel, ang kanilang luxury van ay ipina-customized nila sa Hyundai Philippines, kung saan ang lahat ng mga bagay na nais niyang mayroon sa loob ng kanilang sasakyan ay kanya ngang ipipnalagay, kagaya na lamang ng telebisyon upang mapanaoodan at maging libangan habang sila ay kumprtableng nakaupo sa sasakyan.

“Took our Hyundaid H350 for a ride last night!! I was so excited because i had the interior customized for my growing family. I told @tuned_in_style that i only want what is necessary like a tv, a table (because i eat my breakfast in the car everyday) and a toilet! Everyday i spend atleast 4 hours in the car because i live far from my work place so with the manila traffic it is impossible to not pee.”

May tila dining table din sa loob ng sasakyan na ito nina Mariel, dahil sa madalas nga umano siyang kumakain sa loob ng sasakyan lalo kung marami siyang naka-skedyul na appointments.
Dagdag pa ng misis ni Robin, maging ang upholstery, sound system, blinds at carpet ay pinabago niya upang mas magmukha itong malinis at relaxing ang loob nito.
Ang maganda pa umanong feature ng sasakyan nila na ito ay ang maliit na couch nito na isa ring convertible bed.

“The blinds, the upholstery, the sound system, the lights the carpet and it even has a little couch that turns into a bed because when I met with them I just found out I was pregnant so I said “I imagine that we will go to Cuyapo and my kids will get sleepy. Gusto ko may matutulugan mga anak ko… I can’t wait to go on a road trip…”, caption ng aktres sa kaniyang Instagram account nang ibahagi niya ang itsura ng loob ng kanilang luxury van.

Ibinahagi rin ni Mariel, na kaya niya pina-customized ang kanilang van ay upang mas maging kumportable ang kanyang mga anak, na kahit malayo ang magiging byahe nila at antukin ang mga anak niya ay may maayos na matutulugan ang mga ito.