Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Mala Diyosang Kagandahan Ng Isang Carla Abellana

Published

on

Isa sa mga may magaganda at mala-anghel sa amo ng mukha na aktres sa industriya ng showbiz ang Kapuso actress-Endorser na si arla Abellana. Siya ay ang misis na nga ngayon ng napakagwapong si Tom Rodriguez, na isa ring aktor sa Kapuso network. Kamakailan nga lamang ng ikasal ang dalawa, ngunit bago pa man nga naganap ang kanilang pag-iisang dibdib ay marami na sa kanilang mga tagahanga at mga kaibigan ang talaga namang inabangan ito at na-excite.

Mas lalo pa ngang na-excite ang mga kaibigan at tagahanga ng dalawa ng ibahagi ng Kapuso actress na si Carla Abellana sa kanyang Instagram account ang kanyang mga nag-gagandahang larawan na kuha sa kanyang naging prenup photoshoot.

Ayon kay Carla, ang kanyang prenup photo ay naging matagumpay, sa tulong ng mga taong nasa likod nito, kagaya na nga lamang ng kanyang photographer na si Nikko Gonzales, at ang kanyang hair at make-up na gawa naman nina Marvin at Mariah Santos.

Naging kamangha-mangha naman ang kagandahan ni Carla sa kanyang mga larawan sa ginawa niyang photo shoot, kung saan iba’t iba ngang mga white gowns na tila wedding dress ang kanyang ibinida. Lumitaw naman talaga ang kayang kagandahan, kaya naman marami sa mga netizens ang hindi napigilan na magbigay komento at purihin ang angkin niyang kagandahan.

Hindi nga lamang mga netizens ang namangha sa mga magagandang larawan ni Carla sa kanyang naging photoshoot, dahil maging mga kapwa niya celebrity ay pinuri rin ang kanyang kagandahan, kagaya na nga lamang nito sina Lovie Poe, Kaye Abad, Isabel Oli, Jasmine Curtis Smith, Shaira Diaz, Arra San Agustin at Nadine Samonte.

Matatandaan na ang napakagandang Kapuso actress na si Carla Abellana ay ikinasal sa Kapuso actor na si Tom Rodriguez noong ika-23 ng Oktubre taon ng kasalukuyan. Sa kabila nga ng patuloy na krisis na kinahaharap natin ngayon, ay hindi naman ito naging hadlang upang maging espesyal at napakaganda ng kasal nilang dalawa, na dinaluhan nga ng kanilang mga kapamilya, at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng industriya ng showbiz. Sa mga larawan naman na lumabas online mula nga sa naging kaganapan sa kasal ng dalawa, ay makikita naman ang labis nilang kaligayahan, at wagas na pagmamahal sa isa’t isa.