Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Masaya At Matatag Na Pagsasama Ng Celebrity Couple Na Sina Christopher de Leon At Sandy Andolong Sa Loob Ng Mahigit Apat Na Dekada

Published

on

Mahigit apat na dekada ng nagsasama ang isa sa mga hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz, at ito nga ay ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong na noon lamang ika-21 ng Marso taon ng kasalukuyan ay nagdiwang na ng kanilang 40th wedding anniversary, dahil sa pagsasama nilang bilang mag-asawa ng 41-taon na.

Sa social media ay lumabas ang mga larawan ng mag-asawa kung saan ay masisilayan ang naging masaya nilang pagdiriwang ng kanilang apat na dekada ng buhay mag-asawa, at ito nga ay may kalakip na caption na;

“Love is the greatest gift when given. It is the h𝔦ghest honor when rece𝔦ved.” “A long-last𝔦ng marr𝔦age is built by two people who bel𝔦eve in -and live by- the solemn prom𝔦se they made.” “If you’re not happy with where you are and what you’ve got, you won’t be happy with where you go or what you get.”

Ikinasal noong taong 2001 sina Christopher de Leon at Sandy Andolong, ngunit bago pa man nga ang naging pag-iisang dibdib nila ay naging magkasintahan muna silang dalawa ng mahigit dalawang dekada.

Noong taong 2019, ay matatatandaan na muling nagpakasal ang mag-asawa sa bansang Vietnam, kasabay nito ang kanilang ika-39 taong anibersaryo ng kasal.
Ang masaya at matatag na pagsasama ng mag-asawa ay nabiyayaan namang ng limang mga anak, at ito nga ay sina Mariel, Rafel Sandino, Juan Carlos Miguel, Augusto Gabriel at Maria Mikaela.
Samantala, batid naman ng marami na bago pa man naikasal si Christopher o mas kilala bilang si Boyet sa kanyang asawa ngayon na si Sandy, ay nauna na itong naikasal noong taong 1975 kay Superstar Nora Aunor, ngunit ito ay napawalang bisa noong taong 1996.

Nabiyayaan naman ng anak na lalaki ang naging pagsasama nila at ito nga ay ang kilala na ring aktor ngayon na si Ian de Leon.
May apat na anging adopted children din noon sina Boyet at Nora Aunor, ito naman ay sina Lotlot de Leon, Matet de Leo, Kiko at Kenneth.

Sa kabila naman na matagal ng panahon na nahiwalay ang dating mag-asawa na sina Nora Aunor at Christopher de Leon, ay marami pa rin nga sa mga tagahanga ng dalawa ang hindi tanggap ang kinahinatnan ng relasyon ng mga ito. Hanggang ngayon nga umano, ang mag-asawang Boyet at Sandy, ay nakatatanggap pa rin ng mga negatibong komento, pero mas marami rin naman ang masaya para sa kanilang pagsasamang dalawa.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens na masaya para sa buhay mag-asawa nina Christopher at Sandy.
“Isang patunay na di nagwork ang kasal nina Nora Aunor at natagpuan nina Christopher at Sandy ang isa’t isa… How it is, bawal ang b𝔦tter, let us move on and be happy and now they live happ𝔦ly ever after!!!”

“Ngek 𝔦nagaw nya lang naman kay Nora Aunor si Boyet, kasal na dati kay Nora nasira tuloy buhay ni Nora sa d𝔢ppr𝔢ss𝔦on kaya di rin p𝔢rfect may sinagasaan siyang pamilya.”
“I am solid noranian…but this is b𝔢autiful…they prov𝔢d their l𝔢ve whatever the beginning is…so pls stop judg𝔦ng guys…if G𝔬d f𝔬rgives so who we are not to..pls move on. I love Christopher and Nora..and Sandy na rin.”