Connect with us

Showbiz

Sulyapan Ang Masayang At Malusog Na Pamilya Ng Aktor Na Si Geoff Eigenmann

Published

on

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa aktor na si Geoff Eigenmann. Isa siya sa mga aktor na tunay namang hinahangaan hindi lang dahil sa kanyang taglay na karisma kundi dahil na rin sa kanyang angking husay sa pag-arte. Si Geoff ay kilala rin na mula sa mga angkan ng mga mahuhusay na aktor at aktres, kaya naman talagang mula pa ng siya ay sumabak sa pag-aartista hanggang sa tumingkad ang kanyang karera, ay patuloy na nakasuporta sa kanya ang kanyang mga tagahanga.

Sa kasalukuyan naman ay hindi na lang ang pagiging isang aktor ang kina-career ni Geoff sa kanyang buhay, sapagkat kina-career na din niya ang pagiging isang padre de pamilya ng pamilyang kanyang nabuo sa piling ng fiancée niyang si Maya Flores at ng kanilang mga anak. Nabiyayaan ng tatlo ng mga anak sina Geoff at Maya, at ito nga ay sina Arabella, Angus at Penelope Rose. Kitang-kita naman na ang tatlong magkakapatid na sila ay nagmana ng kagandahan at kagwapuhan sa kanilang mga magulang dahil sa kanilang kakyutang taglay.

Samantala, tunay namang kapag Holiday season ay mas doble ang saya kapag kumpleto ang pamilya, kaya naman talagang bakas ang kasiyahan sa pamilya ni Geoff sapagkat sa nagdaang Holiday season ay kumpleto sila kaya naman masaya nila itong ipinagdiwang. Makikita sa latest IG post ng pamilya ng aktor, ang naging pagbabahagi ng kanilang family photo, kung saan ay makikita ang kanilang kasiyahan habang sila ay nakasuot ng kani-kanilang outfit para sa Holiday occasion.

“Wishing you peace, love and joy this hoiday season and throughout 2022”, ang naging saad nga sa nakalakip na caption sa naturang larawan ng pamilya. Nang salubungin nga nating lahat ang Bagong Taong 2022 ay isa sa mga nangungunang kahilingan ng marami sa atin ay ang nawa’y patuloy na maging payapa,

masaya at mapuno ng pagmamahal ang ating buhay. Dagdag din sa kahilingan ng marami ang nawa’y matapos na ang kinahaharap nating lahat ngayon na krisis, upang magbalik na nga sa normal ang pamumuhay ng lahat. At ang mga ito nga rin ang kahilingan ng pamilya ni Geoff. Makikita naman ngayon sa aktor na si Geoff kung gaano siya kasaya sa buhay niya ngayon bilang isang padre de pamilya, ito ay base na rin sa mga ngiti niya lalo na sa tuwing kasama nga niya ang kanyang mag-iina.