Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Masayang Buhay Ngayon Bilang Pamilyadong Tao Ng Aktor Na Si Carlo Aquino

Published

on

Noong ika-20 ng Hunyo 2021, ay ipinagdiwang ng marami ang araw na para sa lahat ng ama, kung saan sila nga ay binibigyang pugay para sa mga naging sakripisyo nila sa pagiging isang ama sa kanilang mga anak, at sa naging pagiging matibay nilang pundasyon sng kanilan pamilya.

At sa espesyal na araw na ito para sa mga ama, ay karamihan sa mga celebrity families ay hindi pinalampas na ipagdiwang ang naturang okasyon na Father’s Day, kung saan marami nga sa kanila ay ibinahagi sa social media ang mga pagbati para sa mga ipinagmamalaki nilang celebrity Dads.

Kabilang na nga sa mga hindi nagpahuli sa pagbati at pagpapakita ng kanyang appreciation post sa partner niyang si Carlo Aquino ay si Trina Candaza. Ilang araw nga bago ang Father’s Day ay makikita sa Instagram account ni Trina ay kanyang ibinahagi ang larawan nila ng aktor, kasama ang kanilang anak na si Enola Mithi na mayroon ngang caption na “[family emoji] at nakatag ang Instagram account ng mag-ama na “@jose_liwanag @enolamithi.”

Maliban sa family picture nila, ay may dalawa pa ngang larawan itong kasama, kung saan ay makikita si Carlo at ang kanyang anak na si Enola, kung saan ito naman ay may nakapaloob na ‘meaning’ ng salitang “dad” na mala-dictionary ang pagkakasulat. Ilan nga sa mga nakasaad na salita dito ay ang isang ama, ay provider, hero at protector.

Samantala, maliban pa sa naging post na ito ni Trina, ay may sumunod pa itong post na ibinahagi niya ay nu’ng mismong araw na ng Father’s Day at ito nga ay isang video compilation ng mga moments ni Carlo at anak nilang si Enola Mithi. Makikita nga sa video na ito kung gaano ka-hands on bilang isa ama ang aktor sa kanilang baby girl.

Ang Father’s Day celebration nga ngayong taon ang ikalawang pagkakaton na ipinagdiwang ni Carlo ang nasabing okasyon, dahil ang kauna-unahan ay ng nasa sinapupunan pa lamang ng parter niyang si Trina ang kanilang baby girl. Matatandaan na ipinanganak ang baby girl nilang si Enola Mithi noong ika-8 ng Setyembre taong 2020.

Maaalala na ikinagulat ng maraming netizens ng isapubliko ni Carlo Aquino na siya ay isa ng ganap na ama, ito nga ay matapos na isilang ni Trina ang kanilang anak. Naging low-key anng relasyon ng dalawa, kaya naman maging ang pagbubuntis ni Trina ay nanatiling pribado sa publiko, hanggang sa siya nga ay makapagsilang ay saka lamang nalaman ng lahat na sila ng aktor ay bumuo na ng sarili nilang pamilya.