Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Masayang Buhay Probinsya Nina Gwen Zamora At David Semerad

Published

on

Noong nakaraang taon ng magsimulang manirahan ang mag-fiancée na sina Gwen Zamora at David Semerad sa probinsiya. Mas pinili nga muna ng dalawa na iwanan ang kanila-kanilang karera, upang mamuhay ng payak at malayo sa syudad.

Nito nga lamang nakaraan ay ipinasilip nina Gwen at David ang simpleng pamumuhay nila sa probinsya ng Batangas, kung saan ay sila nga ay nakatira sa kanilang ipinatayong rest house.

Ayon sa ulat, hindi pa man Fiancée ni David si Gwen ay naipundar na niya ang farm lot sa Batangas. Lingid naman sa kaalaman ng marami, na nature lover si David, ganun din si Gwen. Kaya naman ng dumating sa kanilang buhay ang anak nilang si Cooper, ay napagpasiyahan nilang dalawa na magpatayo sa kanilang farm lot ng isang rest house.

Isang modern kubo nga ang naging rest house nina Gwen at David, kung saan ito ay sinimulang i-construct noong taong 2019. Tinawag naman nila itong “Semerad Cabin.”

Kung noon nga ay nagsisilbing bahay-bakasyunan lamang ng dalawa ang kanilang farm house, ng magpatupad nga ng quarantine at nasulit nila ang pamamalagi dito at talaga namang na-feel nila ang buhay probinsya.

Sino ba naman kasi ang hindi magugustuhan ang mamalagi sa probinsiya, kung sariwa at malinis na hangin ang iyong malalanghap, idagdag pa ang napakaganda at luntiang tanawin na iyong masisilayan araw-araw. Mas nakaka-amaze ding mamuhay sa probinsya dahil talaga namang matatanaw mo ang napakagandang pagsikat at paglubog ng araw.

Sa naging paninirahan nia Gwen at David sa kanilag farm house ay marami silang nakapag-abalahan, kagaya na lamang nito ay pagtatanim ng mga halaman.

Kamakailan nga lamang sa Instagram post ni Gwen ay ipinasilip niya ang garden ni David, at ipinagmalaki rin niya kung gaano ito karesponsableng partner. Ayon pa kay Gwen, si David ang namamalengke para sa kanila.

Halos lahat nga ng uri ng prutas at gulay ay may pananim si David, at talagang mayayabong ito, dahil nga sa pagkakaroon niya ng ‘green thumb’.

Hindi nga lamang sina Gwen at David ang naninirahan sa kanilang farmhouse, dahil kasa-kasama rin nila dito ang ‘bundle og joy’ nilang dalawa, ang anak nilang si Cooper. Kasama rin nila dito, ang alaga nilang si rotweiller.

Tunay namang napakasarap ang manirahan sa probinsya, maliban sa presko ang hangin ay maari ka pang magtanim ng mga prutas at gulay, kagaya na lamang ng ginawa nina Gwen at David.