Showbiz
Sulyapan Ang Masayang Overnight Trip Bonding Ni Kylie Padilla Sa Kanyang Dalawang Anak

Batid ng marami sa atin na kamakailan lamang ay isang matinding pagsubok sa kanyang buhay ang kinaharap ng aktres at celebrity mom na si Kylie Padilla, at ito nga ay pagiging isang single mom na niya sa kanyang dalawang anak na sina Alas at Axl.
Sa kabila naman ng pagiging single mom at kanyang pinagdadaanan ay hindi naman nagpakita ng anumang kahinaan ang aktres, bagkus ay naging matatag siya para sa kanyang mga anak, at mas binuhos pa nga ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga para sa mga ito.
Kahit nga mag-isa at madami ang nakapilang trabaho, ay hindi nakakaligtaan ni Kylie na maglaan ng panahon at oras sa kanyang mga anak.
Noon nga lamang ika-15 ng Marso ay ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram account ang isang video clip kung saan ay makikita ang naging masayang bonding nilang mag-iina. Makikita pa nga na nakaupo si Kylie kasama ang kanyang mga anak na sina Alas at Axl sa duyan habang nakangiti at masayang masaya nga sa kanilang ginagawa.
Ayon sa lumabas na ulat, ang mga larawan nga na ito ng mag-iinang Kylie, Alas at Axl ay kuha sa naging overnight trip nila sa Barangay Daraitan, sa Tanay Rizal kung saan dahil sa ganda at nakakarelaks na paligid ay labis ngang nag-enjoy ang aktres at kanyang dalawang anak.
“Thank you @camp.agos.daraitan for our overnight trip. I love your place nothing like bonding with my kiddos and nature to realign and relax. Balik kami soon”, saad ni Kylie sa caption ng kanyang IG post.
Dahil nga sa kagandahan ng kapaligiran at sa sobrang nakaka-relaks ang naturang lugar ng Camp Aggos Daraitan ay babalik nga umano roon si Kylie kasama ang kanyang mga anak.
Maliban pa sa naturang video, ay ilang mga magagandang larawan din ang ibinahagi ni Kylie sa kanyang Instagra, at dito ay kanya ngang ipinakita kung gaano naman talaga kaganda at super nakaka relaks ang lugar na kanilang pinuntahan ng kanyang mga anak.
Isa naman sa mga larawan na ibinahagi ng aktres na talagang kinagiliwan ng mga netizens ay ang larawan ng magkapatid na Alas at Axl habang sila ay nakaupo sa kawayan at masayang ine-enjoy ang pagtanaw sa napakagandang kapaligiran na nakapalibot sa kanila. Maraming mga netizens naman ang ikinatuwa ang masayang bonding na ito ni Kylie at kanyang mga anak, at ang iba pa nga ay nagbigay ng kanilang saloobin patungkol dito.
“Happy talaga lalo na at kasama ang mga gwapong baby u [three red heart emoji]” “Awwwm quality time with the kids is the best time! Enjoy and have fun Mommy Kylie! [red heart emoji]”
Matatandaan na si Kylie Padilla ay ikinasal sa aktor na si Aljur Abrenica noong taong 2018, at ang pagsasama nga nila ay nabiyayaan ng dalawang anak, ngunit makalipas nga ng ilang taong pagsasama ay nauwi sa hiwalayan ang mag-asawa kaya naman ngayon ay ginagampanan ni Kylie ang pagiging ‘single mom’ sa dalawang anak nila.
