Connect with us

Showbiz

Sulyapan Ang Mga ‘Impressive Photo’ Ng Versatile Actress Na Si Divine Aucina

Published

on

Sino nga ba naman ang hindi makakakilala kay Divine Aucina? Isa siya sa mga komedyante ngayon na takaga namang sinusubaybayan ng publiko. Ang kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa bilang isang komedyante ay hinahangaan ng maraming mga manonood. Hindi pa man naipapamalas ni Divine ang kanyang talento sa telebisyon, ay aktibo na siya sa teatro bago pa man niya pasukin ang mundo ng showbiz, kaya naman doon niya nahasa ang kanyang mahusay na pag-arte.

Kagaya ng ilang mga artista, ay dumaan rin sa mga intriga na kaakibat na ng showbiz si Divine, ngunit sa kabila nito, ay patuloy siyang naging matatag, at hindi nagpadaig sa kung ano man ang mga isyu na ibinabato sa kanya. Maliban sa mga intriga at isyu, ay isa rin si Divine sa mga artista sa mundo ng showbiz na naapektuhan ng krisis, kung saan isa nga rin siya sa halos muntik ng magbitiw sa pag-aartista, dahil sa halos isang taon siyang nawalan ng trabaho.

Ngunit dahil sa nasa personalidad na Divine ang pagiging positibo at matapang sa buhay, ay hindi siya sumuko hanggang sa makatanggap nga siyang muli ng mga proyekto. Kahit nga patuloy pa rin ang pandemya, ay nagkaroon na rin ng mga proyekto si Divine, isa na sa mga ito ay ang naging pag-guest niya sa ‘My Fantastic Pag-ibig’, isang romance-fantasy antology. Napanood rin siya sa ‘Dear Uge’ at napabilang rin sa seryeng ‘Legal Wives’, isa sa mga upcoming Kapuso drama ng GMA-7.

Ngayon ay masasabi ni Divine na maayos ang takbo ng kanyang karera. At dahil marami na rin siyang mga proyektong ginampanan bilang isang aktres, ay isa nga siya sa mga maituturing na versatile actress.
Samantala, noon ngang buwan ng Nobyembre ay i-unveil ni Divine ang kanyang new look sa publiko, kung saan ay kanyang ipinakilala ang ‘bolder and fircer’ niyang personalidad. Napansin nga ng marami ang kanyang sexier physique.

Kita naman sa mga karawan niya ang kanyang pagiging natural pa rin na komedyante, kaya naman maging ang kanyang mga katrabaho sa showbiz ay kinagiliwan ito. Ang mga netizens naman ay naaliw din at namangha sa mga larawan ng komedyannte, at ang iba nga ay nagbigay komento na ‘pak na pak’ ang bikini photo ni Divine, at noon pa nga ay ‘chic and appealing’ na ito.

Kamakailan nga lamang ay nag-summer getaway si Divine kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Jelai Andres at Mary Letim Ponce, at naging kapansin-pansin sa marami na hindi rin nagpahuli sa kaseksihan ang komedyante, kung saan ay makikita sa kanilang mga larawan ang pagiging sexier at confident nito sa kanyang physique. nMatatandaan na noon ay nabanggit ni Divine na ang inspirasyon niya sa kanyang showbiz career ay ang mga batikang aktres sa showbiz na nakapag-iwan ng legacy at ito ay sina Eugene Domingo, Cherie Gil at Nova Villa.