Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Mga Larawan Ng Mag-Amang Bossing Vic Sotto At Baby Tali Sa Kanilang Father-Daughter Sweet Bonding

Published

on

Sa kabila ng takot na idinudulot sa atin ng krisis, para naman sa iba ay may maganda rin itong naidulot sa ating buhay. Kagaya na nga lamang nito ay ang mas nagkaroon tayo ng mas maraming oras sa loob ng ating tahanan kung saan ay mas nakakasama natin sa mga panahon na ito ang ating pamilya.

Isa na nga rito ay ang showbiz personality na si Bossing Vic Sotto, na isa sa mga sikat at hinahangaang TV host-actor sa industriya ng showbiz. Siya ay kabilang sa sa mga pinaka mga naunang host ng longest running noontime show ng Eat Bulaga, maliban pa sa pagiging isang host ay mahusay rin siyang komedyanteng aktor kaya naman marami din siyang mga naging pelikula at proyekto.

Kahit naman abala ni Bossing sa kanyang trabaho, ay sinisgurado naman niya na hindi siya mwawalan ng oras sa kanyang pamilya lalo na nga sa kanyang anak na si baby Tali. Si Baby Tali o Talitha Sotto ay ang tatlong taong gulang na anak ni Bossing Vic Sotto sa kanyang asawa ngayon na si Pauline Luna-Sotto.

Ngayon nga na nakararanas ang ating bansa ng pandemya, ay isa si Bossing Vic sa mga nanatili sa loob ng kanilang tahanan, at pansamantala nga ay dito siya nagtatrabaho bilang host ng Eat Bulaga dahil sa kanyang edad ay isa siya sa mga ipinagbabawal na lumabas ng tahanan.

Dahil nga rito, ay mas nagkaroon ng mahabang oras si Bossing Vic na makasama ang kanyang pamilya, at maka-bonding ang kanyang anak na si baby Tali. Hindi nga pinalampas ni Bossing ang maka-bonding ng husto si baby Tali ngayon na siya ay nanatili sa loob ng kanilang tahanan dahil sa pagkakaroon ng krisis.

Mas lalo pa nga silang naging malapit ngayong mag-ama, kaya naman ito ay labis din na ikinatutuwa ng kanyang maybahay na si Pauline Luna. Sa Instagram nga ni Pauline ay madalas niya ngayong ibinabahagi ang masaya at sweet bonding moment ng kanyang mag-ama na sina Bossing Vic at baby Tali.

Makikita nga sa isang IG post ni Pauline noon lamang nakaraan ang larawan ni Bossing Vic habang karga karga nito si baby Tali. Masisilayan nga sa naturang larawan kung gaano kasaya si baby Tali habang karga siya ng kanyang ama.

Nakakagigil naman ang ka-kyutan na ipinapamalas ni baby Tali sa bawat larawan nila na ito ng kanyang amang si Vic Sotto. At sa pinadulo nga ng mga larawan na ito, ay makikita naman ang isang larawan kung saan ay nagbigay ng halik sa pisngi ng kanyang ama si baby Tali, tanda nga na ito ay kanyang mahal na mahal.

Hindi maikakaila sa mga ibinabahaging larawan ni Pauline, na mas naging malapit pa nga sa isa’t isa ang kanyang mag-ama ngayong panahon ng krisis dahil sa mas marami ang naging oras ng mga ito na magkasama at mag-bonding.