Showbiz
Sulyapan Ang Mga Nakakaaliw Na Larawan Ni Liza Soberano Noong Panahon Ng Kanyang “Jeje Days”

Marahil lahat tayo ay dumaan sa tinatawag na ‘jeje days’ noong panahon ng ating puberty, kung saan kung atin nga itong babalikan at titignan ay tila nga ayaw na natin itong balikan pa lalo na nga kung nakikita natin kung ano ang ating hitsura noon. Ngunit kung ang ilan nga sa atin ay ayaw ng balikan ang mga ‘jeje moments’ noon, may ilan naman na proud na ibinabahagi pa ito.
Tulad na nga lamang ng aktres na si Liza Soberano na kamakailan nga lamang ay proud na ibinahagi ang ilan sa kanyang mga larawan noong kanyang kabataan na nagpapakita ng kanyang mga ‘jeje days’, na ayon nga sa kanya ay ito ang isa sa mga pinakamasayang yugto ng kanyang buhay.
Kamakailan nga lamang ay nakapanayam si Liza sa Kapamilya morning show na Magandang Buhay, kung saan dito nga ay nahalungkat ang ilang mga lumang larawan niya na nagpapakita ng kanyang jeje days. Sa mga larawan ngang lumabas ay masisilayan na ang ilan nga sa mga ito ay tila kuha noong high school pa lamang ang Kapamilya actress.
Nang unang masilayan ni Liza ay mga throwback photo niyang ito ay tila nga nagulat pa ang aktres at parang ayaw niyang tignan ang kanyang mga larawan lalo pa nga’t ng mga panahon na ito ng kanyang kabataan ay may pa ‘bangs’ pa nga ang kanyang hairstyle. Ngunit sa bandang huli nga ay tinignan na ni Liza ang kanyang mga larawan at napangiti na lamang habang pinagmamasdan nga ang mga ito.
Isa nga sa mga ‘jeje days’ ni Liza ay ang pagkakaroon niya ng bangs noon, hindi naman kasi maikakaila na noon ngang mga panahon na ‘yon ay talaga namang usong-uso ang hairstyle na mayroong bangs, kaya naman hindi rin nga nagpahuli si Liza sa pagpapa-bangs.
May larawan pa nga si Liza noong kanyang kabataan kung saan naman makikita na kasama niya ang ilan sa kanyang mga matatalik na kaibigan at pare-pareho nga silang naka-pout ang lips, at may isa ring larawan kung saan naman masaya silang nakangiti sa kamera habang naka-peace sign.
Samantala, hindi naman maikakaila na noon pa man ay taglay na ni Liza ang natural na kagandahan, kaya naman noon ay naranasan din niya ang sumali sa isang pageant, at ito nga ay ang Ms. Intramurals Pageant kung saan siya umano ang naging representante ng kanilang year.
Ayon kay Liza napilitan lamang umano siya sa nasabing patimpalak, dahil nga sa pagiging mahiyain niya ay hindi talaga siya mahilig na sumali sa mga ganoong pageant, ngunit dahil nga sa pamimilit ng kanilang adviser ay napasali siya at hindi niya inasahan na siya pa ang mananalo. kahit nga naman may mga nakakatuwang larawan tayo noon gating jeje moments, ay tunay pa rin na napakasaya nitong balikan.
