Connect with us

Showbiz

Sulyapan Ang Moderno At Magarbong Pamamahay Ng Celebrity Couple Na Sina Regine Velasquez At Ogie Alcasid

Published

on

Ang celebrity couple na sina Regine Velasq at Ogie Alcasid ay ang tinaguriang “power couple” sa mundo ng showbiz. Ito ay hindi lamang dahil sa pareho silang sikat na mang-aawit dahil sa kanilang husay pagdating sa larangan ng musika, kundi dahil na rin sa pagiging matatag at masaya ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na sina Regine at Ogie ay pareho ng beterana pagdating sa musika, at ilang taon na ring namamayagpag ang kanilang karera sa mundo ng showbiz bilang mga mahuhusay na mang-aawit. Kaya naman, hindi na rin nakapagtataka na ang maipundar na tahanan ng mag-asawa kung saa naninirahan sila kasama ang kanilang unico hijo na si Nate ay mabansagan rin na “power house” dahil sa pagiging moderno at magarbo nito.

Matatagpuan sa isang pribadong subdibisyon sa Quezon City ang tatlong palapag na tahanan na naipundar ng mag-asawang Regine at Ogie. At makikita nga na karamihan sa mga dingding nito ay mga salamin, ito nga umano ay upang ang natural na liwanag ng araw ay pumasok sa loob ng nasabing tahanan.

Saad pa ng singer-songwriter, ang disenyo ng kanilang tahanan ay sumisimbolo din ng pagiging bukas nila sa publiko ng kuwento ng kanilang totoong buhay. “All the open space in our home speaks of who we are. We’re very transparent people. We really don’t try to hide things from people”, ani Ogie.

Sa loob ng pamamahay ng mag-asawa ay makikita ang magagarang mga kagamitan, at siyempre hindi maaring mawala ang music room sa bahagi ng kanilang bahay kung saan naroon nga ang mga kagamitan nila sa musika lalo na’t parehong mang-aawit sina Regine at Ogie. Pagdating naman sa ikalawang palapag ng tahanan nila, ay naroon naman makikita ang kanilang napakalawak na living, dining at kitchen area.

Ayon kay Regine, nagustuhan niya ang pagkakaayos ng kanilang kusina, dahil sa maliban sa malawak ang espasyo nito ay nakikita rin ng mga bisita ang proseso ng pagluluto niya dahil sa pagiging ‘open area’ nito. Mayroon ding sariling ‘home office’ ang mag-asawa, kung saan ang mga dingding nito ay salamin din kaya naman natatanaw mula rito ang kanilang hardin sa labas. Matatagpuan naman sa ikatlong palapag ng kanilang tahanan ang master’s bedroom, closet at silid ng kanilang anak na si Nate.

Kamangha-managha naman ang over-looking swimming pool sa gilid ng tahanan ng mag-asawa dahil sa napakagandang tanawin nito na nakapaligid at matatanaw mula rito. Tunay naman na mababakas sa tahanan ng mag-asawa kung gaano karangya ang kanilang buhay dahil sa tagumpay na tinatamasa nila ngayon sa kani-kanilang karera.