Connect with us

Showbiz

Sulyapan Ang Naging Bakasyon Ng Mag Dyowang Vice Ganda At Ion Perez

Published

on

Sa unang pagkakataon ay nabisita nga ni Ion Perez ang napakagandang isla ng Amanpulo, ito nga ay ng sila ay magbakasyon doon ng kanyang kasintahang si Vice Ganda. Tunay namang ang isla ng Amanpulo ay isa sa mga madalas na pasyalan ng mga artista, kung kaya naman hindi rin nagpahuli sina Ion at Vice, at sinulit nga ang kanilang bakasyon dito kasabay na din ng pag-gawa ng mga magaganda at hindi malilimutang alaala.

Samantala, dahil nga sa kagandahang taglay ng isla, ay muling binalikan ng magkasintahang Ion at Vice ang Amanpulo, at sa pagbabalik nga nila na ito sa mala-paraisong isla, ay kasama na nga nila ang kanilang pamilya at ilang malalapit nilang mga kaibigan. Ang pagbabalik nga na ito nina Ion at Vice sa Amanpulo ay epesyal, hindi lang dahil kasama nila ang kanilang pamilya ay ilang mga kaibigan, kundi dahil sa dito rin ay magkakasama at masaya nilang sinalubong ang Bagong Taon.

Ipinakita ni Ion sa isang vlog na kanyang ibinahagi sa YouTube kung paano nila sinulit ang bawat sandali na sila ay nasa isla ng Amanpulo sa pangalawang beses nga na pagbisita nila rito ni Vice. Makikita sa vlog ni Ion ang ilang mga kaganapan kung saan ay makikita nga ang naging masaya at super enjoy nilang pananatili sa isla.

Isa nga sa mga binabalikbalikan sa Amanpulo ay ang napakaganda nitong beach, na ibinida rin ni Ion dahil sa nakakaakit nitong white sand, idagdag pa ang malawak at asul nitong karagatan. Tunay ngang mala-paraiso ang taglay na kagandahan ng Amanpulo, kaya naman hindi kataka-taka na mapabilang ito bilang isa sa mga magagandang isla sa buong mundo na pinapangarap ngang marating ng marami.

Ibinahagi rin ni Ion sa kanyang vlog ang mga beach activities na kanilang ginawa, kagaya na lamang ng naging pagsakay nila sa yate para makita pa lalo ang ganda ng karagatan. Sinubukan rin nina Ion at Vice na magpakain ng mga isda na labis nga nilang ikinatuwa. Siyempre hindi naman nawala ang pagsasalo-salo nila kasama ang kanilang pamilya, kung saan sila nga ay nag-boodle fight. Tunay namang katakam-takam ang mga pagkain na kanilang pinagsaluhan.

Sa nasabing vlog pa nga ni Ion ay inilabas niya rin ang kanyang pagiging komedyante, kung saan ay nagkunwari siyang anak ng may-ari ng isla habang naglilibot nga rito sakay ng isang bisikleta. Hindi naman nawala sa pagbisitang muli na ito nina Ion at Vice sa Amanpulo ang kanilang pagpapadama ng pagmamahal sa isa’t isa, dahil kita naman na maliban sa pag-e-enjoy nila sa isla, ay talaga namang nag-uumapaw din ang mga sweet moments nilang dalawa.

Nang salubungin din nila ang bagong taon ay nagkaroon sila ng pagdiriwang at dito ay makikitang naka-matching outfit pa sila. Nagkaroon din sila ng masayang dinner kasama ang kanilang kapamilya at mga kaibigan na kasama nilang nagtungo sa Amanpulo. Kitang-kita nga na masayang-masaya silang lahat na sinalubong ang Bagong Taon, dahil habang nagsasalo-salo at nagsisiyahan ay magkakasama rin nilang tinunghayan ang napakaganda at makukulay na fireworks hudyat nga na sumapit na ang Bagong Taon.