Entertainment
Sulyapan Ang Naging Masayang Pamamasyal Ni Nikki Gil At Kanyang Pamilya Sa Disneyworld Ng Florida USA

Singer na si Nikki Gil at kanyang pamilya, masayang bumisita at namasyal sa isa sa mga pinaka-popular na amusements park sa buong mundo. Si Nikki Gil ay isa sa mga singer na sumikat at nakilala sa Music Industry sa Pilipinas, ngunit matatandaan na 7-taon na ang nakalipas ng mag-retiro ang mang-aawit dahil sa desisyon niyang mga pokus sa binuo niyang pamilya. Ikinasal si Nikki sa kanyang non-showbiz husband na si BJ Albert, at sa kasalukuyan sila ngang mag-asawa ay mayroon ng dalawang anak.
Sa mga panayam naman noon sa dating MYX VJ at singer ngang si Nikki, ay inilahad nito na walang pagsisisi siyang nararamdaman sa naging desisyon niyang iwan ang kasikatan sa pagiging isa niyang singer, ng piliin niya ang mamuhay ng pribado kasama ang kanyang binuong pamilya. Matatandaan na noong nakaraang taon ay isinilang ni Nikki ang ikalawang anak nila ng kanyang asawa, kung saan ito nga ay isang baby girl na pinangalanan nilang si Maddie.
Samantala, sa pinaka-latest na update nga ni Nikki sa kanyang Instagram account nito lamang ika-24 ng Hunyo, ay nakikita nga ang naging pagpapasilip ng singer sa masayang bakasyon ng kanyang pamilya sa US. Masisilayan sa mga larawan na ibinahagi ni Nikki kung paano silang nag-enjoy mag pamilya sa unang araw nila sa pinaka-popular na spot sa Amerika.
Isa nga sa mga ibinahagi larawan ni Nikki sa kanyang Instagram account sa unang araw nila sa US ay ang naging pamamasyal nila ng kanyang pamilya sa Walt Disney World o mas kilala bilang Magic Kingdom, kung saan isa din ito sa mga amusement park sa Amerika na talaga namang pinapasyalan dahil sa ito rin nga ay isa sa mga pinaka-popular na Disneyland Park sa buong mundo.
Taong 2015 buwan ng Nobyembre ng si Nikki Gil ay ikasal sa kanyang mister na si BJ Albert sa napakagandang seremonya na ginanap sa Sta. Elena Golf Country Club, sa Laguna, kung saan matapos nga ang kanilang pagpapakasal ay nag desisyon nga ang MXY VJ at singer na tuluyan ng pagreretiro sa kanyang showbiz career.
Sa kasalukuyan nga ang pagsasama nina Nikki at BJ ay biniyayaan na ng dalawang anak, ang kanyang panganay ay isang lalaki at ito nga ay ang 4-taong gulang na si Finn at ang bunso naman nila ay isang babae at ito ay si Madeline Elle na nagdiwang ng ika-1 taong gulang nitong kaarawan noon lamang Nobyembre ng nakaraang taon.
