Entertainment
Sulyapan Ang Nakakakilig At Napaka Cheesy Na Lambingan Ni Kiray Celis At Kanyang Boyfriend

Si Kiray Celis ay isa sa mga komedyanteng aktres na bata pa lamang ng makilala sa industriya ng showbiz. Child star pa lamang ay talaga namang nasa personalidad na Kiray ang pagiging isang komedyante, kaya naman mula noon hanggang ngayon na siya ay ganap ng aktres, ay patuloy pa ring sinusubaybayan ng mga tagahanga niya ang kanyang karera at maging ang personal niyang buhay.
Samantala, batid ng marami sa atin na ilang beses na rin dumaan sa pagkabigo sa pag-ibig si Kiray, ngunit ngayon ay tila kanya na ngang nakatagpo ang lalaking magbibigay saya sa kanyang puso at magpaparamdam sa kanya ng labis na pagmamahal, sa katauhan nga ng boyfriend niya ngayon na si Stephan Estopia.
Sa Instagram account ng aktres,, ay madalas siyang nagbabahagi ng masasayang moments nila ng kanyang boyfriend na si Stephan, at marami sa kanyang mga tagahanga ang talaga namang nasisiyahan para kay Kiray dahil sa masaya niyang buhay pag-ibig. Talaga namang going strong ang relasyon ng magkasintahan, at para nga kay Kiray kung kanyang ilalarawan ang kanyang boyfriend ay tila nga lahat ng mga katangian na hahanapin ng isang babae sa lalaki, ay na kay Stephan na. hindi lang kasi to guwapo, sweet at napakabait din nito. Maliban pa nga rito ay marami pang mga magagandang katangian si Stephan, na nagustuhan at minahal sa kanya ni Kiray.
Sa kasalukyan ay abala si Kiray sa kanyang trabaho bilang isang aktres, kung saan ay sumalang nga siya sa lock in taping para sa kabibilangan niyang proyekto. Sa IG post niya, ay ibinahagi niya na magbe-behave siya, at sa buwan ng Nobyembre nga muli sila magkikita ng nobyo. “Behave ako dito sa taping.
Trabaho lang. See you in nov daddy! Ilove you! Naaalala ko sa picture nato sabi ko tagu taguan. Hindi landian. Hindi ka magandang ehemplo sa kabataan. Eme! HAHAHHAHA!”, saad ni Kiray sa kanyang IG post, kalakip ang larawan nila ng nobyo kung saan ay makikita nga ang ka-sweetan nilang dalawa na talaga namang napaka-cheesy.
Marami naman sa mga fans ni Kiray ang labis na nasisiyahan para sa kaligayahan na nadarama ni Kiray ngayon sa piling ng kanyang mapagmahal na boyfriend. Halos lahat nga, kapamilya, kaibigan at tagahanga ni Kiray ay suportado si Kiray sa relasyon nito kay Stephan, at ang hiling nga ng mga ito para sa aktres, ay magtuloy-tuloy na ang kaligayahan nito at ng kanyang nobyo.
