Connect with us

Showbiz

Sulyapan Ang Nakakakilig Na ‘Cuddling Photo’ Ng Celebrity Couple Na Sina Judy Ann Santos At Ryan Agoncillo

Published

on

Marami ang kinilig sa larawan ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, kung saan ay talaga namang makikita na kahit ilang taon na silang nagsasama ay hindi pa rin nawawala ang ‘sweetness’ nila sa isa’t isa. Maging kanilang mga kapwa artista, ay talaga namang kinilig sa dalawa.

Ang nakakakilig na larawan na ito nina Juday at Ryan ay makikitang ibinahagi ng television host na si Ryan sa kanyang Instagram account noong ika-26 ng Oktubre araw ng Martes, kung saan ay makikita nga na habang siya ay nakaupo sa wing chair, habang ang kanyang asawa naman na si Juday ay nakahiga sa kanyang kanlungan, at pareho nilang yakap ang isa’t isa.

Caption ni Ryan sa larawan na ito nilang mag-asawa ay; “‘Yung isa kung maka-asta, akala mo 6-footer. ‘Yung isa kung maka arte, parang petite.” Dagdag pa na saad ni Ryan na kanya namang tila mensahe para sa anak niyang si Lucio ay, “Isa ‘yan sa mga rason, bakit sa tingin ko swak kami ng mommy mo anak.”

Ayon pa din sa caption ni Ryan sa kanyang IG post, ay ang kanilang anak nga na si Luna ang mismong kumuha ng napakaganda at sweet na larawan nila ng kanyang asawa. Agad namang umani ng napakaraming mga ‘like’ na reaksyon ang IG post na ito ni Ryan, at marami nga sa mga kaibigan nilang mag-asawa sa industriya ng showbiz ang hindi napigilan ang magkomento kung paano sila kinilig sa napaka-sweet na larawan ng mag-asawa.

“Haaaaay… I love you guys!” ang naging saad ni Iza Calzado. “Huhuhuhu favorite couple talagaaaa,” komento naman ni Bianca Gonzales. “What a beautiful loving photo!!! At panalo ang caption!!! True love,” sey naman ng broadcaster na si Karen Davila.Samantala, makikita rin ang naging komento ni Juday sa IG post ng kanyang asawa, kung saan ay sinabi niya na. “Love, love ko yan e”, na may kalakip pa ngang dalawang emoji na nagbo-blowing a kiss.

Labing dalawang taon ng mag-asawa sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at ang kanilang ngang ika-12 wedding anniversary ay ipinagdiwang nila noong nakaraang ika-28 ng buwan ng Abril.
Silang mag-asawa ay mayroon ng tatlong mga anak, ang panganay na si Yohan na ngayon ay 16-taong gulang na, ang pangalawa na si Lucho na nagdiwang lamang ng kanyang ika-11 taong kaarawan noong Oktubre, at ang bunso na si Luna na sa kasalukuyan ay limang taong gulang.