Connect with us

Uncategorized

Sulyapan Ang Nakakarelaks Na Bahay Bakasyunan Na Naipundar Ng Aktres Na Si Katrina Halili Sa Palawan

Published

on

Ang trabaho ng isang personalidad sa showbiz ay hindi nga naman madali, katulad ng inaakala ng iba. Kaya naman marami sa mga sikat na artista, ay talagang sinisigurado na ang perang kanilang pinag-iipunan ay magagamit nila sa maayos na paraan, na hindi masasayang ang naging pagpapagod at pagpupuyat nila.

Marami nga sa mga sikat na artista na maliban sa pag-iimpok ng perang kanilang kinikita ay nagpupundar ng iba’t ibang mga ari-arian, upang sa ganun ay makita rin nila kung saan napunta ang perang kanilang kinita. Ang iba ay nagpundar ng negosyo, malalaking bahay at may iba pa nga na nakapagpundar ng mga pribadong resort o bahay-bakasyunan sa probinsya.

Kabilang na nga sa mga ito ay ang isa sa mga hinahangaang aktres sa showbiz, na si Katrina Halili. Si Katrina ay nakilala hindi lang dahil sa kanyang husay sa pagiging isang aktres, kundi maging dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan na talaga namang pinapantasya at pinapangarap ng marami.

Batid natin na matagal na rin si Katrina sa industriya ng showbiz, kaya naman marami-rami na rin ang mga ari-arian ang kanyang naipundar. At isa nanga sa talagang kanyang maipagmamalaking ari-arian, ay ang kanyang bahay-bakasyunan na matatagpuan sa isla ng Palawan, na kamakailan nga lamang ay kanyang ipinasilip.

Hindi nga maikakaila na napakalaki ng ari-arian na ito ni Katrina sa Palawan, dahil ito ay 13-hektaryang lupain na kanya ngang pinatayuan ng isang maganda at nakakarelakas na tahanan. Ayon sa aktres, ang tahanan niyang ito sa palawan ang kanyang nagsisilbing bahay-bakasyunan, lalo na kung nais niyang makalanghap ng sariwang hangin at makapag-relaks.

Talaga namang maiibigan ng sinoman ang lugar na ito na bahay-bakasyunan ng aktres, dahil maliban sa magandang tahanan, ay napakaganda pa ng kapaligiran nito na talaga namang maaliwalas at nakaka-relaks sa pakiramdam

Ang ang lugar na ito ni Katrina Halili ay mahahalintulad nga sa isang Paraiso, dahil sa magandang tanawin nito, na napapaligiran nga ng malalaking mga puno na karamihan ay hitik sa bunga.

Makikita naman sa mga larawan, na sa kabila ng simpleng disenyo ng bahay-bakasyunan na ito ng aktres, ay kamangha-mangha naman ang loob nito, lalo na nga’t ang mga kagamitan nito sa loob ay halos gawa sa kahoy, idagdag pa ang modernong disenyo nito

Maaliwalas naman tingnan ang naturang tahanan dahil sa mga naglalakihan nitong binta, na mas nakakarelaks at nagbibigay nga ng kakaibang ambiance dahil matatanaw sa pamamagitan nito ang magandang tanawin sa labas, at pumapasok pa sa loob nito ang natural na liwanag mula sa araw.

Samantala, maliban sa magandang tahanan na ito ng aktres ay mayroon ding siyang palayan, at bakanteng lupa na nakalaan para sa mga alaga, kagaya na lamang ng baboy o kung ano pa man na hayop.

Marami namang mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga positibong komento sa bahay-bakasyunan na ito ni Katrina, matapos nga niya itong ibahagi sa kanyang social media account.