Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Nakakatuwang Q&A Ni Joey Marquez At Kanyang Anak Na Si Wynwyn Marquez

Published

on

Isa sa mga naging kahilingan ng mga tagahanga at tagasuporta ng actress-beauty queen na si Wynwyn Marquez sa kanya ay ang magkaroon siya ng vlog kung saan ay makakasama niya ang kanyang amang si Joey Marquez, isang kilalang aktor at komedyante.

At para bigyan nga ng kasiyahan lahat ng mga sumusuporta at sumusubaybay sa kanyang YouTube channel ay agad naman itong pina-unlakan ni Wynwyn, kung saan kamakailan nga lamang ay agad siyang nagbahagi ng isang video vlog sa kanyang YT channel at kasama na nga niya ang kanyang ama.

Mapapanood nga sa naturang vlog ng mag-ama, na sinabihan ni Wynwyn ang ama niyang si Joey na kung maari ba itong magbahagi ng mga nalalaman nitong tips sa kung papaano malalaman kung niloloko ka ng iyong partner.

Para buksan nga ang kanilang usapin, ay naunang nagtanong si Wynwyn kay Joey ng;
“Totoo ba ‘yung kapag ang phone nakatakip, o ayaw ibigay ang password. Tapos dinadala sa banyo o ayaw iwan?” Ito naman ay agad na sinagot ni Joey na, “Old school na ‘yun.” Pabirong dagdag pa nito, “Magaling na ‘yung mga expert.”

Dito na nga sinunod na itanong ni Wynwyn sa kanyang ama kung ano ang Top 5 na pakiramdam para magdudad na kung may ginagawang kalokohan ang iyong karelasyon.
“So ano talaga ang top 5 na feeling mo kailangan mo na talaga magduda”, ang naging curious ngang taong ni Wynwyn kay Joey.

Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa ang batikang aktor at komedyante, at agad ng ang sinabi ang mga tips na kanyang nalalaman para mabuko kung nagloloko ang iyong karelasyon.
“Number 1, kapag tinanong mo ‘yung partner mo kung saan nagpunta, anong ginagawa o bakit nale-late at biglang nag-ha?”, saad ni Joey na sinabayan pa aksyon, kung saan ang hitsura ay tila natulala at nakatingin nga sa itaas.

Dagdag pa nito, “Biglang gumanon, ‘yung biglang nagbibingi.” Hindi naman napigilan ni Wynwyn ang matawa sa sinabi at ginawa ng ama. Agad rin naman niyang nilinaw na ang mga sinabi ng kanyang ama ay feeling lamang nito, at hindi sinasabi na lahat ng lalaki ay ganoon nga ang ginagawa.

“Guys disclaimer lang ha, eto ‘yung feeling lang ni Daddy. Hindi ko naman sinasabi na lahat ganon pero feeling nya lang naman”, ani Wynwyn. Sumunod ngang sinabi ni Joey ay, “Number 2 ‘yung sobrang sweet”, na ipinagtaka naman ni Wynwyn kaya tinanong niya ang ama kung bakit?

“Kasi may kasalanan eh”, ang naging kasagutan naman ni Joey, na nagpatawa pareho sa kanila.
Isa pa nga sa mga tips na ibinahagi ni Joey, ay kapag tinawagan ang partner tapos hindi ito sumasagot, na ang ibibigay ngang dahilan ay lowbat kahit nagriring naman ang phone.
“Number 3, kapag tinatawagan mo hindi sumasagot 90% ‘yan, tapos sasabihin sa’yo lowbatt. Pero nagriring”, ani pa ni Joey Maqruez.

Dagdag pa nga niya, “Meron pa ‘yung kapag tinawagan mo buo tapos bigla nagpuputol linya? Pine-fake n’ya ‘yun”, sabay nagpakita pa nga ng halimbawa kaya naman talagang napuno ng tawanan ang usapan nila ng anak niyang si Wynwyn.

Ayon pa kau Joey, ang ika-apat ay kapag pakiramdam mo ay unti-unti ng nababawasan ang oras nito sayo. “Number 4, kapag nababawasan na ang oras sa’yo ibig sabihin may ka-sharing ka na.”
“Gumagawa ng rason, kunware busy ako eh, pero may kausap ng iba ‘yun”, saad pa ni Joey.

Ang pang huli naman na naging tips ng komedyanteng aktor ay pag na-wrong send ang partner mo sayo.
“Number 5. Ito talaga pinakabuko. ‘Pag nagwrong send!” “Sigurado ‘yun 99%”, sabay Tawanan nga ng mag-ama.

Talaga namang naging masaya ang usapan ng mag-ama, kaya naman napuno ng tawanan ang vlog na ito ni Wynwyn. Siyempre maliban sa naging kalibang-libang ito para sa kanyang mga tagasubaybay ay kinapulutan din naman ito ng ilang mga naging payo ni Joey Marquez.

Bago naman tuluyang tinapos ni Wynwyn ang kanyang vlog na ito, ay sinabi nila ng kanyang ama, na hindi ito ang una’t huling pagkakataon na magsasama sila ng kanyang ama sa isang video vlog, dahil muli nga niya makakasama ang ama at sa susunod nga ay mga tips naman kung paano mo malalaman na mahal ka talaga ng iyong partner ang ibabahagi ni Joey.