Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Napaka Cute At Adorable Baby Girl Ng Mag Asawang Sam Pinto At Anthony Semerad

Published

on

Biyaya ang isang anak sa kanyang mga magulang ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng anak, kaya naman ang mag-asawang Anthony Semerad at Sam Pinto ay tunay na malaki ang pasasalamat dahil isa lamang sila sa mga mag-asawa na nabigyan ng pagkakataon na maging magulang ng dumating nga sa kanilang buhay ang anak nilang si Mia Aya.

Matatandaan na noong ika-1 ng buwan ng Setyembre taong 2021 ng isinilang ni Sam Pinto ang panganay na anak nila ng asawa nyang si Anthony, kung saan ito nga ay isang maganda at malusog na baby girl na kanila ngang binigyan ng pangalan na Mia Aya.

Ang pagdating nga ng kanilang anak sa buhay nilang mag-asawa ay inanunsyo nila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng napakaganda ngang balita na ito sa social media.
“We couldn’t be more in love with you, baby girl”, ang naging saad ni Sam sa IG post niya ng ipakilala nga nila sa madla ang panganay na anak.

Sa Instagram account naman ni Anthony ay ibinahagi niya kung paano siya nati-thrilled na gampanan ang pagiging isang ama, “Ready to start this journey with you baby! Let the awesome parenting begin.”
Sa kasalukuyan ay nasa limang-buwang gulang na ang anak ng mag-asawa, at kitang-kita naman na sa taglay na kakyutan ni Mia Aya ay hindi lamang nga ang mga magulang niya ang talagang giliw na giliw sa kanya, kundi maging ang mga netizens.

Makikita nga sa sariling Instagram account ni Mia Aya ang kanyang mga cute na mga larawan na talaga namang nagbibigay ‘gigil’ sa marami dahil sa kanyang ipinapamalas na kakyutan. Tulad na nga lamang nito ay ang larawan niya kung saan siya ay nakahiga at may katabing pusa, larawan nila ng kanyang mommy habang sila ay nasa beach at ang larawan kung saan siya nga ay nakasuot ng mermaid costume na bagay na bagay sa kanya na kinunan nga noong araw mismo ng Halloween.

May larawan din naman kung saan makikita ang pag-i-enjoy ni Mia habang kalaro niya ang kanyang pinsan na si Cooper. Mas nakakagigil din ang kakyutan ni Baby Mia sa kanyang Christmas outfit noon ngang nakaraan Pasko, kung saan ito ang unang pagkakataon na nagdiwang ang mag-asawang Sam at Anthony ng kapaskohan na kasama ang kanilang anak. Dahil nga sa mga nakakagigil sa kakyutan na larawan ni Baby Mia sa Instagram, sa murang edad nga niya ay napakarami na agad niyang mga follwers.