Uncategorized
Sulyapan Ang Napakagandang Dalagang Anak Ni Ogie Alcasid

Masayang binati ng singer-writer na si Ogie Alcasid ang anak niyang si Sarah sa ika-labing siyam taong kaarawan nito. Si Sarah ay ang bunsong anak ni Ogie sa kanyang dating asawang si Michelle Van Eimeren. Nito nga lamang ika-2 ng Setyemre, araw ng Huwebes ay makikita sa Instagram account ng singer-songwriter ang kanyang masayang pagbati sa anak niyang si Sarah na nagdiwang nga ng kaarawan ng araw na ‘yon. Inilahad din ni Ogie sa kanyang IG post, kung gaano na niya nais na makasama ang anak, kung saan hindi nga niya nakakasama ang mga ito dahil na rin sa pagkakaroon ng krisis.
“Happiest bday my dear sweetheart Sarah. All of 19 years today. I miss you so much my darling and hoping that we could see each other soon. This photo was taken Jan 23 of 2020 and I can’t wait till I see you again. I am very proud of you and all that you do most especially your dedication to your studies. I love you very much!!!” ang naging saad ni Ogie sa kanyang IG post. Sa ngayon nga ay nasa bansang Australia si Sarah, kaya naman hindi ito kasama ng ama niyang si Ogie sa araw ng kaarawan nito.
Maliban nga kay Sarah, ay may isa pang anak si Ogie sa dati niyang asawang si Michelle, na isang beauty queen, at ito nga si Leila Alcasid. Si Leila ay ang anak ni Ogie na sumunod sa kanyang yapak sa industriya ng musika, kung saan noon ngang taong 2017 ay pinasok na rin ng dalaga ang mundo ng showbiz.
Si Leila ay nasa edad 23 na ngayon, at ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay ang “Clouds”,
“Completely In Love”, and “I’m Not”. Noong nakaraang taon ay minarkahan niya ang pannibagong milestone niya sa kanyang career, ito nga ay ng mapabilang siyang miyembro ng 88rising’s Philippines label, Paradise Rising, kung saan ay kasama niya sina Kiana Valenciano, Jason Dhakal, and Fern.
Matatandaan na taong 2007 ng ma-annulled ang kasal ni Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren, ngunit sa kabila ng naging pagtatapos ng kanilang pagsasama ay nanatili naman ang maayos na pagkakaibigan sa pagitan ng dalawa. Sa ngayon ay may kanya-kanya na ngang buhay ang dating mag-asawa. Si Ogie ay 10-taon ng kasal sa misis niya ngayon na si Regine Velaquez, at sila ay mayroon na ring isang anak na lalaki na si Nate.
