Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Napakagandang Disney Inspired Shoot Nina Miss Universe Ph’s Rabiya Mateo, Beatrice Gomez At Celesti Cortesi

Published

on

Nagsama ang tatlong mga nagagandahang beauty queen sa bansa [Pilipinas] at ito nga ay ang mga Miss Universe Philippines titleholders na sina Rabiya Mateo, Beatrice Luigi at Celeste Cortisi Ito nga ay matapos nilang ibander ang kanilang kagandahan at kaseksihan nito lamang nakaraan sa isang fashion photoshoot na ginawa nila.

Ang mga nagagandahan ngang larawan na ito ng mga hinahangaan nating Miss Universe Ph ay kinunan umano ng mahusay at popular na photographer na si BJ Pascual. Makikita sa mga lumabas na larawan sa social media ang mga nagagandahan at kahanga-hangang larawan ng tatlong Miss Universe Ph na sina Rabiya, Bea at Celeste kung saan sila nga ay nakauot ng silver at gold outfit na hinango umano sa fictional characters.

Makikita sa larawan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang naging paglalarawan niya sa bidang karakter sa Disney movie na “The Little Mermaid” na si Ariel, at ang larawan nga niyang ito ay nilakipan niya ng caption na “Life isn’t a fairytale but everyone deserves their happy ending.”

Si Miss Universe Ph 2021 naman na si Beatrice Luigi ay nag-ala Belle naman ang bidang karakter sa “Beauty and The Beast” isa ring Disney movie. Kalakip naman ng napakaganda niyang larawan ay ang caption na, “You don’t have time to be timid. You must be bold and daring!”

Pagdating naman sa larawan ng kahihirang lamang na Miss Universe Ph 2022 na si Celeste Cortesi ay makikita naman na tila kanyang inilalarawan ang Disney character na si Cinderella, at ang larawan naman niyang ito ay may kalakip na caption na, “A dream is a wish your heart makes.”

Ang mga magaganda ngang dilag na ito ay ang mga hinirang na Miss Universe Ph bago pa man nga nakuha ang franchise ng Miss Universe Philippines Organization noong taong 2019. Ayon din sa lumabas na ulat ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsama sa isang napakagandang photoshoot ang tatlong Miss Universe Ph titleholders.

Si Rabiya Mateo ay ang hinirang na Miss Universe Philippines taong 2020. Si Beatrice Gomez naman ay hinirang na Miss Universe Philippines noong taong 2021 na tumatak din sa publiko ang naging pag-amin niya patungkol sa pagiging miyembro niya ng LGBTQ community. Samantala si Celeste Cortesi naman ay ang hinirang na Miss Universe Philippines para sa taong ito ng 2022, at siya nga ang magiging representante ng bansa para sa nalalapit na Miss Universe international pageant.