Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Napakalawak At Napakaaliwalas Na Mansyon Nina Zoren Legaspi At Carmina Villaroel Sa Pasig City

Published

on

Ang pamilya nina Zoren Legaspi, Carmina Villaroel, kasama ang kanilang kambal na anak na sina Mavy at Cassy, ay isa lamang sa pamilya sa showbiz, na talaga namang napakaraming mga produkto na ine-endorso.

Kaya naman, sa tagal na nilang nag-eendorso ng marami at iba’t ibang mga produkto ay hindi na magiging kataka-taka na nakapag-pundar na sila ng mga malalaking ari-arian tulad na lamang ng kanilang tahanan na animo’y isang mansion.

Kamakailan nga lamang ay binuksan ng mag-asawang Carmina at Zoren ang kanilang tahanan sa publiko, kung saan ay isang house tour vlog ang ibinahagi nila. Ito ay upang makapagbigay rin nila ang kanilang mga tagasuporta na matagal ng hinihiling na masilip ang tahanan na tinutuluyan nilang magpamilya.

Samantala, matatandaan na sa Panayam noon ng YES! Magazine, kay Zoren, ay sinabi ng aktor, na ang nais nilang tahanan ay yung mayroong masaya at maaliwalas na kapaligiran, katulad na lamang ng katangian ng kanilang kambal na anak.

Kaya naman ang tahanan nila ngayon, ay talaga namang nakakarelaks, at napaka-peaceful, dahil sa napakagandang kapaligiran na nakapalibot dito.

Sa house tour vlog na ibinahagi ng mag-asawang Zoren at Carmina, ay ipinakita nila na ang kanilang receiving area, ay may saktong lawak para sa mga bisita o panauhin. Ito rin ay mayroong napakagandang ambiance, kung saan ay bumagay pa ang kanilang hammock sofa.

Pagdating naman sa entertainment room, ay makikita ang kumbinasyon ng mga kulay na orange, white, at gray. Ang kanilang dingding ay nakukulayan ng puti, samantalang ang kulay gray naman ang sofa.
Ipinasilip rin sa video house tour, na mayroong kanya-kanyang silid ang kambal na sina Massy at Navy.

Pagdating naman sa master’s bedroom kung saan natutulog ang mag-asawang Carmina at Zoren, ay makikita ang isang komportableng king size bed, at mayroon din silang telebisyon sa loob ng naturang silid.

Mayroon ding sariling Gym, ang pamilya sa kanilang tahanan. At ang kanilang kusina, at hapag kainan ay minsan na ring ipinasilip noong magkaroon ng surprise birthday para kay Carmina.

Tila isang palasyo nga para sa pamilya, ang tahanan nilang ito, dahil sa ito’y hindi lang isang tahanan na punong-puno ng pagmamahalan nilang magpamilya, kundi ito rin ay tahanan na naipundar dahil sa kanilang pagsisikap at tiyaga.