Showbiz
Sulyapan Ang Napakasaya At Punong Puno Ng Pagmamahalang Pamilya Ni Patrick Garcia

Nito lamang nakaraan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang gwapong aktor na si Patrick Garcia. Ngunit hindi nga lamang ang kaarawan ng aktor ang masayang ipinagdiwang ng Casa Garcia, dahil naging “doubl celebration” nga ito sapagkat kasabay ng kaarawan ni Patrick ay ipinagdiwang rin ng kanilang baby boy ang ika-2ndmonth birthday nito. Para naman sa kaarawan ng kanyang mister, ay isang sweet birthday message ang ibinahagi ni Nikka Garcia sa kanyang Instagram account.
“Double celebration today!!! Happy 40th birthday to the love of my life!!! My baby Daddy! My God’s best! My home!! You are the best decisions I have ever made, you are everything I have pray for and so much more”.
Dagdag pa niya, “I honor, respect and love you with all of me! I thank the Lord for your life! I know He loves me bec He gave me you! Happy birthday my Patrick! [emoji] heres to plenty more babies? Ay eh.. kisses, hugs and cuddles and everyday after! Loooooove you so much!!!
Talaga nga namang puno ng pagmamahal ang mensahe ni Nikka para kay Patrick, at marami ang kinilig rito.
Samantala, maliban sa mensahe niya sa kanyang pinakamamahal na asawa, ay may sweet message din si Nikka sa kanilang unico hijo, ang kanilang baby boy na nagdiriwang din nga ng ika-2 months old nito.
“Happy 2nd month my Baby Boy!!! My Sweetheart! My Palangga! My Moon! My Beautiful Son! [emoji] you have brought us all great joy these 2 months. You are the reasons why all your 3 ate’s believe in prayers because they pray of you every single night til the very Day they found out they would have a baby brother.”
Saad pa ni Nikka, sa pagdating ng kanyang baby boy sa buhay nilang magpamilya, ay mas lalo pa nga siyang naniwala kung gaano siya kamahal ng Diyos, dahil ang matagal na niyang kahilingan na magkaroon ng isang sanggol na lalaki ay binigyan nito ng katuparan.
“We adore you my Darling!!! Id like to believe I am God’s favorite bec He granted my heart desire when I asked for you. We love you oh so much our sweet Pablo!!! May our Abba father bless you both immensely all the days of your life!”, dagdag na mensahe pa ni Nikka sa kanyang baby boy.
Kalakip naman ng mensahe na ito ni Nikka ay ang larawan ng kanyang mag-amang si Patrick Garcia at ang kanilang baby boy na binigyan nila ng pangalan na Pablo. Makikita naman na napakagwapo ng mag-ama.
