Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Pagdiriwang Ng Ika-44 Taong Gulang Kaarawan Ni Judy Ann Santos Sa Isang Cruise

Published

on

Ipinagdiwang ng aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo noong ika-11 ng Mayo ang kanyang ika-44 taong gulang na kaarawan.Si Judy Ann o mas nakilala ng publiko bilang si Juday ay isa sa mga tinitingalang bituin sa industriya ng showbiz. Siya ay nagsimula bilang isang mahusay na batang artista, hanggang sa mas mahasa ang kanyang galing at talento kaya naman talagang ilang dekada na rin ang naging karera niya sa mundo ng showbiz bilang isang aktres dahilan para napakaraming parangal na din ang kanyang natanggap.

buhay ng isa sa mga pinakamahuhusay na aktres sa showbiz na si Judy Ann ay hindi nga nakaligtaan ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo na magpaabot ng isang matamis na pagbati para sa kanya.
“Happy Birthday my Dear Judy Anne”, ang naging maikli ngunit matamis na pagbati ni Ryan sa misis niyang si Juday.

Makikita naman sa Instagram ni Juday ang pagbabahagi niya ng mga kaganapan sa kanyang kaarawan, kung saan nakasama nga niya ang kanyang mga anak at kapatid. Base nga sa post ng aktres, sa isang cruise niya ipinagdiwang ang kanyang ika-44 taong kaarawan at masisilayan naman talaga sa mga ngiti niya ang kasiyahan niya sa espesyal na araw na ito ng kanyang buhay.

“Birthday sunset cruise. What more can I ask for. Thank you my live @ryanagoncilo. Sun, sea, love. All that I need”, ang naging caption ni Juday sa mga larawan na kanyang ibinahagi.

Siyempre hindi naman mawawalasa espesyal na araw na ito sa aktres ang makatanggap siya ng mga pagbati. Maliban nga sa kanyang mga kapamilya at mga tagahanga, ay nagpaabot din ng pagbati para kay Juday ang ilan sa mga kasamahan niya sa industriya ng showbiz kagaya na lamang nina Aga Muhlach, Connie Reyes, Kian Cipriano, Paolo Ballesteros, Aiko Melendez, Christine Babao, Bianca Gonzales at Jolina Magdangal.

Bukod pa sa mga ito, makikita rin ang naging pagbati ni Mega Star Sharon Cuneta kay Juday. Batid natin na hindi lamang magkaibigan sina Juday at Sharon, dahil tila nga magkapatid na ang turingan nila mula nga ng sila ay magsama sa pelikulang ‘Magkapatid’.

Ayon kay Juday isang sorpresa ang natanggap niya mula kay Sharon, at ito nga ay ng magpadala ito ng isang napakagandang flower arrangement. Saad pa niya, may nakalakip din na napaka-sweet na greetings sa bulaklak, at ito nga ay hindi lamang galing kay Mega Star kundi sa buong pamilya na rin nga nito.