Entertainment
Sulyapan Ang Pagmamay Aring Farm Sa Bulacan Ng Aktres Na Si Angel Locsin

Maliban sa krisis na lumalaganap ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo at sa ating bansa, ay isa rin sa kinnakaharap natin na dapat ay mabigyang pansin din ay ang Global Warming. Ang Global Warming ay ang nanganganib na pagbabago ng klima sa buong mundo, kung saan ito nga ay dulot ng walang habas na pagpuputol ng mga punong kahoy at pag kalbo ng mga kagubatan.
Dahil nga rito gumagawa na rin ng maigtingang hakbang ang ilan sa mga departamento ng ating gobyerno upang matugunan nga ang problemang ito, at marami din ngang mga pribado at pampublikong organisasyon ang nakikilahok upang hindi na nga lumalala pa ang sitwasyon at agad na magkaroon ng solusyon ito.
Samantala, maliban nga sa ating gobyerno at ilang mga organisasyon ay mayroon din ng mga tao na gumagawa ng kanilang sariling hakbang upang makatulong na masolusyunan ang lumalalang global warming, at isa na nga rito ay ang iniidolo ng marami, walang iba kundi ang aktres na si Angel Locsin.
Si Angel ay kilala ng publiko hindi lang bilang isang mahusay na aktres, kundi maging sa mga ganito ngang bagay at suliranin ng bansa ay aktibo siya, kaya nga tinagurian siyang Real Life Superhero ng maraming Pilipino dahil sa kanyang walang humpay na pagbibigay tulong sa lahat abot ng kanyang makakaya.
Kamakailan nga lamang sa latest vlog ni Angel ay kanya ngang ipinasilip ag pagmamay-ari niyang farm sa Bulacan, at kasama nga niya ng sandaling ito ang kanyang mister na si Neil Arce. Makikita naman na talagang napaka-aliwalas ng farm na ito ng aktres, lalo na nga’t ito ay puno ng napakaraming mga pananim at mga punong kahoy.
Ayon sa ulat, nagtatag ang aktres ng isang proyekto na tinawag nga niyang Green Passion, kung saan ang objective nito ay ang tulungan ang reforestration efforts. Pagbabahagi ni Angel, kung walang mga puno, ay walang buhay ang mundo, wala tayong magiging ulan, at sa lumalala ngang global warming sa ating mundo ay maaring maging phrone ang lupa sa erosion at maging delikado ang hangin na ating kailangan.
Ibinahagi nga ni Angel na ang pagtatanim ng mas maraming mga punong kahoy, ay isa sa mga mabisang pamamaraan na ating magagawa upang matulungan natin ang ating kalikasan sa tuluyan nitong pagkawasak.
Samantala, ayon nga kay Angel, ang naturang farm niya sa Bulacan ay kanyang binili bilang tribute niya sa mga magsasaka. Saad pa niya, noon pa man nga ay talagang nais na niya ang magtanim kaya naman naisipan niya ang bumili ng malawak na lupain. Malaki naman ang pasasalamat ng aktres, dahil ng mga panahon na nabili niya ang lupain niyang ito sa San Jose Del Monte, Bulacan ay mura pa nga ang lupa dahil sa ngayon ay batid naman natin na talagang malaki na ang itinaas ng per. Sq. meter ng lupa.
