Connect with us

Entertainment

Sulyapan Ang Simple Ngunit Masayang Pagdiriwang Ng Ika-44 Taong Kaarawan Ng Aktres Na Si Gladys Reyes

Published

on

Magmula ng dumami ang kaso ng krisis sa ating bansa noong nakaraang taong 2020, ay maraming mga restriksyon na ipinatupad ang ating gobyerno. Ito nga ay upang maiwasan ang mas malala pang paglobo ng mga kaso ng naturang sakit. Ngunit ngayong taong 2021, kung saan ay may tinatawag na tayong ‘new normal’ sa kabila ng mayroon pa ring mga restriksyon, kahit papaano ay nagkaroon na rin ng kaluwagan, lalo na nga pagdating sa mga pagtitipon o gatherings.

Sa kabila naman ng muling pagpapahintulot ng pagkakaroon ng mga okasyon o pagtitipon, ay mayroon pa rin namang ibinigay na limitasyon ang ating gobyerno, kung kaya naman ang nauuso nga ngayon ay mga simpleng okasyon na lamang ang kaganapan na dinadaluhan nga lamang ng iilang bisita na tanging mga magkakapmilya lamang.

Samantala, tulad ng iba, ay hindi hinayaan ng aktres na si Gladys Reyes na lumipas lamang ang araw ng kanyang kaarawan ng walang okasyon na nagaganap, kahit na ito ay simple lamang, basta’t ang tanging mahalaga ay masaya at magkakasama silang magpamilya.

Makikita nga sa Instagram account ng aktres ang naging pagbabahagi niya ng ilang mga larawan na kuha sa naging selebrasyon ng kanyang ika-44 taong kaarawan, kung saan ito nga ay naging intimate at simple lamang ngunit masaya dahil sama-sama sila ng kanyang pamilya ganun din ang kanyang mga magulang.

Sa kabila nga ng simpleng selebrasyon na ito ng kaarawan ng aktres ay kitang-kita naman ang saya nilang mag-anak, lalo pa’t may mga pagkain silang pinagsaluhan, at makikita pa nga sa larawan ang isang inflatable na isinet-up sa harap ng kanilang bahay na kinaaliwan nga nila, lalo na ng mga bata sa kanilang pamilya.

Hindi naman nakalimutan ni Gladys sa huling bahagi ng kanyang caption na mag bigay ng pasasalamat sa Amang lumikha sa lahat ng naging pagpapala nito sa kanya. Nagpa-abot rin siya ng pasasalamat para sa lahat ng mga katrabaho, kaibigan at mga tagahanga niya na nakaalala sa kanya sa espesyal na araw ng kanyang buhay.

Noon ngang ika-23 ng Hunyo ipinagdiwang ni Gladys Reyes ang kanyang ika-44 taong kaarawan. At kahit na nga ito ay 44-taon na ay makikita pa rin ang kagandahan nito na tila hindi kumukupas.