Showbiz
Sulyapan Ang Taglay Na Kagwapuhan Ng Aktor Na Si Ronnie Alonte

Isa sa mga teen actor na agad na namayagpag ang karera sa mundo ng showbiz ay si Ronnie Alonte, ito nga ay dahil sa kanyang ipinamalas na husay at talento sa pag-arte. Idagdag pa ang taglay niyang karisma at kagwapuhan na kinakikiligan ng marami. Matatandaan na unang nakilala si Ronnie Alonte sa industriya ng showbiz, ng siya ay mapabilang sa all-male groups na “Hastags” na napapanood noon sa noontime show ng Kapamilya network na “It’s Showtime.”
Maliban nga sa pagiging isang aktor, ay isa ring mahusay na mananayaw si Ronnie. Isa rin siyang manlalaro ng basketball, at nagmomodelo rin siya. Samantala, matapos ngang ipamalas ni Ronnie sa publiko ang kanyang pagiging mahusay na mananayaw bilang miyembro ng Hastags, ay nagpakitang gilas rin siya sa pag-arte kung saan ay ilang mga proyekto na rin ang kanyang kinabilangan at pinagbidahan.
Ilan nga sa mga mahuhusay at batikan na artista ang kanyang nakasama na sa mga proyekto, katulad na lamang nina Julia Barretto, Bea Alonzo, Iza Calzado at Ian Veneracion. Hinahangaan ang kanyang husay sa pag-arte sa mga naging karakter niya sa pelikulang “Seklusyon” (2016), “Vince and Kath and James” (2016), at James and Path and Dave(2020).
Mas nakilala at nagbigay kilig naman si Ronnie sa marami ng kanyang makatambal ang teen actress na si Loisa Andalio, kung saan ay talagang minahal at kinakiligan ng marami ang tambalan nilang dalawa.
Ikinatuwa naman ng tagahanga nila, ng ang tambalan at pagpapakilig nina Ronnie at Loisa ay hindi na lamang pang on-screen dahil nauwi rin ito sa totohanang relasyon ang dalawa. Sa ngayon nga, nagsisilbing inspirasyon ni Ronnie sa kanyang buhay at karera ang kasintahang aktres na si Loisa Andalio.
Taong 2018, buwan ng Disyembre ng kumpirmahin nina Loisa at Ronnie ang kanilang relasyon, at matapos nga ang kanilang naging pag-amin ay mas lalo pa silang minahal ng marami nilang mga tagahanga at marami ang sumuporta sa kanilang dalawa. Si Ronnie Alonte o sa tunay na buhay ay si Ronnie Alcantara Alonte III ay ipinanganak noong ika-26 ng Oktubre taong 1996 sa Biňan, Laguna. Siya ay kilala sa industriya ng showbiz bilang isang aktor, modelo at mananayaw.
