Connect with us

Uncategorized

Sulyapan Ang Walang Kupas Na Mala Dyosang Kagandahan Ni Jaclyn Jose Mula Noon Hanggang Ngayon

Published

on

Nabibilang sa mga pinakamahuhusay na aktres mula noon hanggang ngayon sa industriya ng showbiz si Jaclyn Jose o sa tunay na buhay ay si Mary Jane Santa Ana Guck. Dahil sa kanyang talento bilang isang artista ay isa rin siya sa mga award-winning actress sa showbiz.

Dekada 80 ng magsimula sa pag-aartista si Jaclyn, at kahit ilang dekada na ang lumipas a patuloy pa rin siyang aktibo sa kanyang karera at napapanopd pa rin nga natin siya sa ilang mga proyekto at serye sa telebisyon.

Si Jaclyn ay kilala rin bilang ina ng isa sa mga mahuhusay ring aktres noon na ngayon ay hinahangaan naman dahil sa kanyang naging simpleng pamimuhay sa isla, ito nga ay walang iba kundi si Andi Eigenman.

Dahil sa mahusay na pagganap ni Jaclyn Jose sa pelikulang Ma’Rosa ay pinangaralan siya bilang Best Actress sa Cannes Film Festival noong taong 2016, kung saan ayon sa mga lumabas na ulat ay siya ang kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng nasabing parangal.

Samantala, makikita sa Instagram account ng batikang aktres na madalas niyang ibinabahagi ang kanyang mga lumang larawan, lalo na nung kanyang kabataan. Kitang-kita naman na mula noon hanggang ngayon ay taglay pa rin ni Jaclyn ang kanyang mala-Dyosang ganda na hinangaan sa kanya ng marami.

May ibang netizens na nagsasabi na kamukha niya ang kanyang apo sa anak niyang si Andi na si Ellie.
Isa nga sa mga larawan na ibinahagi niya ay ang larawan kung saan ay kasama niya ang ilan s amga personalidad sa showbiz na malalapit sa kanya, kagaya na lamang ng sumakabilang buhay ng direktor na si Direk Wenn Deramas, at ang mga kaibigan niyang aktres na sina Princess Punzalan at Claudine Baretto.”Missing you in all times of crisis. I love you Wenn kasi magaling ka magsalita you are one person na nandito dapat sa panahong ito mahal kita mare at Claud and Cess.”

“Ang panahon, dumadaan ang kabataan, pero ang legacy will stay forever. Nagpapasalamat lang po ng marami sa pinagdaanan”, ang naging caption ni Jaclyn sa naturang larawan.
Di naman napigilan ng mga netizens na mamangha sa taglay pa rin na kagandahan ni Jaclyn Jose, dahil sa kitang kita nga na mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumukupas.