Connect with us

Showbiz

Sulyapan Kung Gaano Kaganda Ang Tahanan Ng Singer-Actress Na Si Pops Fernandez

Published

on

Maliban sa magkaroon ng maganda at kumportableng pamumuhay, ay marami rin ang nangangarap sa atin na magkaroon ng maayos at magandang tahanan. Kaya naman, upang mabigyang katuparan ang pangarap natin na tahanan, ay marami sa atin ang nagsusumikap at todo kung kumayod sa paghahanapbuhay.

Samantala, pagdating naman sa tahanan ng ating mga hinahangaang celebrity, ay talaga namang makikita natin ang naging bunga ng kanilang pagtatrabaho sa industriya ng showbiz. Kung saan ay makikita nga kung gaano sila nagpursige, upang matupad ang pangarap nilang maganda at kumportableng tahanan.

Halimbawa na nga lamang nito ay ang tahanan ng singer-actress na si Pops Fernandez, na kamakailan lamang ay kanyang ipinasilip sa publiko. Tunay ngang napakaganda at napakalaki ng nasabing tahanan ng tinaguriang ‘concernt queen’ dahil sa ito ay may sukat na 300 sq.m, at ang disenyo nito ay hango sa isang modern-Asian house. Hindi naman talaga posible na magkaroon ng ganito kamoderno at karangyang tahanan si Pops, dahil sa mahabang panahon rin siyang naging matagumpay sa kanyang karera.

Mas naging kamangha-mangha naman ang malaking tahanan na ito ni Pops, dahil sa tema nitong wooden elements at glass. Hindi lamang ang labas ng tahanan ni Pops ang talagang nakamamangha, dahil maging ang disenyo nito sa loob ay tunay na napakaganda at nakakarelaks, dahil sa ito ay apakalawak at kumportable kang makakagalaw kahit saang bahagi nito.

Ayon kay Pops, ang pinakapaborito niyang parte ng kanyang tahanan ay ang dining at kitchen area, dhahil sa madalas niyang naka-kabonding dito ang kanyang mga anak. Saad pa niya, ngayon ay nalilibang siya sa pagbi-bake. Makikita nga na napakalinis at lawak ng dining at kitchen area ni Pops sa kanyang tahanan, at kumpleto ito sa mga mamahaling kagamitan na pang kusina.

Pagbabahagi pa ni Pops, ang kanyang dalawang anak na sina Robin at Ram ang madalas na takatikim niya ng kanyang mga niluluto o bini-bake, kaya naman talagang ikinatutuwa niya kapag natitikman ng mga ito ang kanyang mga niluluto. Para naman sa kaalaman ng lahat si Pops Fernandez o sa tunay na buhay ay si Maria Cielito “Pops” Lukban Fernandez ay isinilang noong ika-12 ng Disyembre taong 1966. Ang kanyang ama ay kilala bilang ang dating aksyon star na si Eddie Fernandez at ang ina naman niya ay si Dulce Lukban.