Connect with us

Entertainment

Sunshine Cruz, Labis ang Pasasalamat Sa Pagiging Malapit Ni Diego Loyzaga Sa Kanyang Step-Sisters

Published

on

Ang beteranang aktres na si Sunshine Cruz ay may tatlong anak na babae sa kanyang dating asawa na si Cesar Montano. Ang mga ito nga ay ang kanyang mga nag-gagandahan at mga dalaga ng anak na sina Angelina,19, Sam, 15 at Chesca, 14.

Hindi naman lingid sa kaalam ng publiko na ang aktor na si Cesar Montano ay ang ama rin ng isa sa mga hinahangaan na aktor ngayon na si Diego Loyzaga. Si Diego ay anak ni Cesar sa kanyang ex-partner na si Teresa Loyzaga, bago pa man nga ito ikinasal noon sa aktres na si Sunshine Cruz.

Samantala, kahit naman hindi nag-uusap si Cesar at ang kanyang mga anak kay Sunshine Cruz ay malapit naman ang tatlong dalagang magkakapatid sa kanilang step-brother na si Diego Loyzaga. Labis nga ang pasasalamat ng beteranang aktres na si Sunshine, dahil sa maayos ang pagsasama ng kanyang mga anak sa kapatid na aktor ng mga ito.

Pagbabahagi pa ni Sunshine, lagi umanong dinadalaw ni Diego ang kanyang mga kapatid sa tuwing wala itong anumang pinagkakaabalahan. Dagdag pa niya, nagpapasalamat siya dahil sa pagiging isang maalaga at responsableng kuya ni Diego sa kanyang mga kapatid.

Kamakailan nga lamang, ay nagbahagi ang aktres na si Sunshine Cruz ng mga larawan ng kanyang mga anak, kung saan ay kasama ng mga ito ang kanilang step-brother na si Diego Loyzaga. Ang larawan ngang ito ay kuha ng mag-celebrate sila ng birthday ng pet dog nila, kung saan sa caption nito ay pinasalamat niya ang naging muling pagbisita ni Diego sa mga kapatid nito.

Nu’ng nakaraang makapanayam naman ang beteranang aktres ay ibinahagi niya na halos araw-araw ay bumibisita sa kanilang tahanan si Diego Loyzaga para makasama ang mga kapatid nito, ngunit hind inga niya ito ipinopost sa social media dahil sa nais ng magkakapatid na maging pribado ang bonding time ng mga ito.

“He visit my kids. May time na almost every day, nandoon siya sa house with my children. But of course, I respect their privacy. Ayaw nilang ilabas yung photos, yung bonding ng mga kids. Natuwa nga ako, meron siyang kasama, si Tong. Napakabait na bata. Mahal na mahal ng mga anak ko si Diego.”